Hinahanap ko si Kaila. Asan na ba kasi yun? Wala naman sa room nila. Kaya naisipan kong pumunta sa Garden na tinatambayan namin. Nakita ko naman na kasama niya mga kaklase ko. Anong ginagawa nila dito kasama ni Kaila?! At teka! Parang may pinapakita sila! Yun yung cellphone kagabi na inaagaw ko ah! Lumapit ako sa kanila pero si Kaila maiyak iyak ng makita ang pinapakita sa kanya.. Mukhang alam ko na..
Napatingin silang lahat sa akin..
Biglang tumayo si Kaila pero bago pa siya makaalis hinawakan ko na siya sa braso niya..
"Dito ka lang.."
Sabi ko sa kanya kaya nakatayo lang sya sa gilid ko. Binitawan ko siya at kinuyom ang palad ko. Sabay isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kaklase kong kumuha ng litrato sa amin kagabi..
"Gago ka ah! May gusto ko ba sa fiancee ko ha?! Kaya inaya mo akong mag bar?! Painumin ako at kuhanan ng litrato?! At ngayon pinakita mo pa sa fiancee ko yang lintik na litrato na yan?!!! Alam mong wala lang yan! Alam mong yung babae na yun ang gumawa niyan at lalong alam mong nilayasan ko ang babaeng yon! Tapos ngayon ano?! Sisirain mo kami ha?! Gago ka pala e!" At isa pang suntok ang pinakawalan ko. Gusto kong pasabugin yang mukha niya. Ang lakas ng loob niya ha. Naramdaman kong inaawat ako ni Kaila kaya tumigil na ako bago ko pa mapatay ang lalaki na ito.. Umalis na sila at inalalayan ang kasama nilang sinuntok ko.
Humarap ako kay Kaila..
"Mage-explain pa ba ako? Alam mong alam mo na ikaw lang ang babaeng mahal ko. Wala lang yun. Bigla lang akong nilapitan pero lumayo din ako sa kanya.. Kaya pwede ba? Ayokong makikitang iiyak ka dahil lang sa walang katotohanan na yun. Nasasaktan ako at parang gusto ko ng patayin ang kaklase ko na yun.."
Pero mas lalo yata syang naiyak sa sinabi ko na yun kaya niyakap niya ako..
"So-sorry. Pinagisipan kita ng hindi dapat. Inakala kong niloloko mo ako at may iba kana kaya nakakalimutan mo na ako minsan.. Sorry.."
Naguiguilty naman ako. Kasalanan ko naman kasi e. Kung bakit nga ba nakakalimutan ko na siya. Kasalanan ko talaga to..
"Wala kang kasalanan ok? Tahan na. Kanina pa kita hinahanap.."
Bumitiw sya pagkakayakap sa akin..
"Bakit?"
"Maga-ice cream tayo tara.."
Ngumiti naman siya ng yayain ko siya.. Nakahawak lang ang kamay ko sa kanya at nagpunta kami sa malapit na plaza. Mahaba pa naman ang break time namin kaya sulitin na..
May nakita kaming isang ice cream truck at bagong bukas lang pala nito..
"Bili na kayo ng Ice cream! Masarap ito at may iba't ibang flavor! May free couple shirt para sa mga couple na bibili!"
Sigaw yan nung babaeng tindera.. lumapit naman kaming dalawa ni Kaila.. Oo nga mukhang masasarap ang ice cream at malaki.. naghahalaga ito ng 50 pesos. Special kasi talaga ang ice cream na ito at kapag bumili ang couple ng tigisa ay may free couple shirt din kaya pagkabili namin ay binigyan kami ng couple shirt na color white. May naka print na ice cream na may mata at bibig. Yung babaeng ice cream kay Kaila at sa akin ay lalaking ice cream ang naka design..
"Bagay na bagay po sa inyo yan! Salamat sa pagbili!" ^^
Hanggang ngayon lang ang promo nilang iyon dahil opening nga nila..
"Ang sarap nung ice cream noh?" Sabi ni Kaila habang kinakain ang ice cream niya..
"Oo ang ganda pa nung tshirt."
Nakita kong nilabas niya yung panyo niya at ipinunas iyon sa gilid ng labi ko..
"Ang dungis mo." Sabay tawa pa nya. Ah ganun ha.
"Aaaaaahhh!" Haha. Idinikit ko yung icecream sa pisngi niya.
"Ihateyou na! Ang lagkit ko na!"
Ako naman ngayon ang nagpunas sa mukha niya. Haha nakakatuwa siya naka simangot siya habang kinakain yung ice cream..
-----------------------------------------------
Short story oa ba to? Hehehe. Oo naman. ^^