"Kuya! Kuya!" Si Kaila yan. Mukhang Kuya. Naiinis na ako. Kuya lang ba ako sa kanya? (Gumagalang nga e hindi ba?)
Pero mas maganda siguro kung Babe, honey, sweetheart.. (Korni..)
Haay. Nakakasawa na din minsan maging isang KAPATID lang sa kanya. Ang gusto ko maging BOYFRIEND nya. Bukod sa iingatan ko sya at poprotektahan ko siya... PAGMAMAYARI ko na siya at walang makakaagaw na iba.. Diba? Ganyan ko siya kamahal.
"Oy Kuya. Hindi mo na naman ako pinapansin."
Ayan ganyan sya magtampo. 4th year highschool na kami para pa rin siyang baby magtampo. Nagpa-pout. Kaya lalo akong naiinlove e. Kahit anong gesture nya kinaiinlove-an ko!
"Kuya may problema ba?"
Naakkooo! Isang kuya pa talaga nito hahalikan ko na to e nang matauhan. Ok lang kaming dalawa lang naman dito sa puno na tinatambayan namin sa likod ng school e.
"Bakit ba Kuya ka ng Kuya? Nakakainis." Umandar na naman ang pagiging iritable ko..
"Kasi matanda ka sa akin?"
"Kahit ba e! Kapatid lang ba tingin mo sa akin?!" Hala. Ayan na. Bakit nga ba nasabi ko yun!!! Patay neto. Mukhang mapapaamin na ako. T____T
"A-ano b-bang sinasabi mo Kuy----" pinutol ko na yung sasabihin niya. Talagang ayaw ko ng madinig ang salita na yun kaya hinalikan ko na siya.. Madiin at matagal. Pero unti unting bumagal. Ginalaw ko ang mga labi ko. Alam ko at ramdam kong ako lang ang unang halik niya, palagi ko ba naman sya kasama diba? Pero teka..
*dugdugsdugdugsdugdugs
Bakit parang dumodoble ang bilis ng tibok ko? Akin lang ba yun o pati sa kanya?
Nagbitiw kaming dalawa.. Halatang nabigla siya. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay yumuko na siya. Tama ba ang nakikita ko? Namumula siya?
"Kuya..." ayan na naman siya! Talagang gusto niya yung nahahalikan ko siya ha!
"Pwede ba? Itigil mo yang pagtawag mo sa aking KUYA! Naiirita ako hindi ba halata?!"
"Pero..."
"Ano?! Wala ng pero!"
"Sandali naman kasi!" First time ko marinig siyang sumigaw, pero mahahalata mo pa rin na ang kalma nya sumigaw. Gets nyo? Mahinhin kasi.. Kaya natawa ko sa ginawi niyang yun.
"Pero ano nga itatawag ko sayo?!"
"Babe? Honey? Sweet heart? Sweety? Hubby?"
"Ang korni mo talaga Kuya!"
Lintik na!
"Ikaw ba talaga e gustong mahalikan ulit?"
Nagtakip siya ng bibig nya at umiling ng umiling.
"Sige Ka-Kaizer..."
First time niya kong tinawag sa pangalan ko. Nakakapanibago. First time niya kong nahalikan alam ko yun. At ako? Hmmm. Hindi ko na mabilang. Noong bata pa lang kami nun madalas ko siya ikiss sa lips kapag natutulog na siya. O diba? Bata pa lang ako ang maniac ko na. Pero syempre joke lang yun. Walang malisya sa akin yun noh.
Hinawakan ko ang baba nya para iangat ang nakayuko nitong mukha at saka ko siya siniil ng halik.
Iba ang nararamdaman ko ngayon kesa nung bata ako. Nung bata ako smack lang ang alam ko diba? Pero ngayon mas lalong tumitindi mas lalong lumalalim ang pagmamahal ko sa kanya.
Hindi naman siya tumutol sa ginagawa ko hanggang sa unti unti na niyang nasasabayan ang bawat galaw ng labi ko.
Halos kapusin kami ng hininga ng magbitaw kami. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami papasok sa klase namin..
Wala man akong narinig na salita mula sa kanya, nagkakaintindihan na kami..
AKIN na siya. AKIN..
---------------------------------------------
Ooopppssss. Hehe. ^^ Wala lang. Ahhh eeeehhhhhh.. Ano... Kasi... Wala lang... Hehe wala lang talaga..