Hairfall

25 1 0
                                    

Lumipas ang dalawa pang taon at nakapagtapos na siya ng pagaaral niya.. Kasama niya ako sa pag graduate niya. Ako sa isang taon pa dahil 5years ang course ko..

"Graduated kana, isang taon na lang pag naka graduate na ako pakakasalan na kita.."

"Hindi ba pwedeng magtrabaho muna?" Oo tama siya. Hindi naman dapat madaliin. Maganda yung magkatrabaho na muna bago kasal. Hehe.

Nagsikap akong mabuti. Mahirap ngayong year na to. Kasi sa taon na to maraming bumabagsak. Pero pinilit ko. Kahit na dumating na naman kami sa puntong hindi nagkakasama ni Kaila. Busy sya sa paghahanap ng trabaho niya at ako? Heto nagpapaka tiyaga at talagang tutok sa pagaaral ko. Ayaw kong bumagsak. Konting tiis na lang..

Hanggang sa makahanao na siya ng trabaho niya..

At ako? Nakapagtapos na.. Marami agad ang nagaalok ng trabaho sa akin.. Sa ibang bansa daw. Papayag ba ako? Pero buti na kang mayroong nagalok sa akin dito ng trabaho kaya pumayag ako. Hindi na ako mapapalayo sa babaeng mahal ko..

Nagsimula akong magtrabaho. Si Kaila nakapasok naman sa De Luxe na hotel.. Ang ganda ng pasimula ng pagtatrabaho namin. Sigurado akong mabubuhay na ang magiging pamilya ko..

"Magtatrabaho akong mabuti para sayo at sa magiging anak natin.."

Niyakap niya ako. Malapit na. Mangyayari na ang mga pangarap kong bumuo ng pamilya kasama siya..

Sa pagkakayakap niya ay bumitaw ako.. hinaplos ko ang buhok niya matapos ay hinalikan ko siya.. Matapos ang halik na iyon ay bumitiw na kami at halos kapusin na naman kami ng hininga..

Teka ano to?

HAIRFALL..

"Mahal ko hindi ka hiyang sa shampoo mo kita mo nalagas na ang buhok mo.. haha." Kumuha ko ng suklay at iniupo ko sya sa upuan at sya nakaharap sa salamin. Nagulo ko kaya ang magandang hair niya noh ibabalik ko lang sa ayos.. Nakangiti siya. Nakita ko sa salamin yun tapos nun ay sinuklay ko na ang buhok nya..

Ang dami talagang hairfall.. Ipa tratment kaya ito...

Luhhh. Mauubos na buhok niya..

Kaya tinigil ko na ang pagsuklay sa kanya. Kinakabahan ako. Bakit ba? Feel ko mauubos na talaga buhok niya kasusuklay ko.. Nakita ko sa salamin na napasimangot siya.. nanginginig niyang hinawakan ang buhok niya at sinuklay ng daliri niya..

Hindi ko alam pero ng makita kong hawak hawak nya ang naoakaraming lagas ng buhok niya ay parang may bombang sumabog sa puso ko.. ano ibig sabihin nito?!

Humarap siya sa akin at niyakap ako.. umiyak siya. Bakit? Bakit siya umiiyak? Haha. Nakakatawa naman naghe hairfall lang siya umiiyak na siya...

"Madalas akong mawalan ng malay noong college tayo.."

Nagsimula siyang magsalita..

"Madalas din magdungo ang ilong ko.."

Teka. Nanlalata ang katawan ko. Isama pa yung sobrang lakas ng kabog ng puso ko..

"Hindi ko alam kung ano yung nangyayari sa akin non.. Hindi ko pinapaalam sa magulang ko.. Akala ko nga ngayon wala na e. Pero heto na naman at ngayon naglalagas na ang buhok ko.. Ano bang nangyayari sa akin?" Kasabay non ay ang malakas na paghagulgol niya.. Ako man naiyak na. Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam yun. Madalas akong wala sa tabi niya kaya hindi ko nalalaman yun?! Kasalanan ko to.. kasalanan ko..

Nagulat na lang ako ng bigla siyang bumagsak sa sahig..

"Kaila! Kaila!"

Pero hindi siya nagigising. Tinawag ko ang mga magulang niya at pati sila nagulat sa nakita. Kaagad namin siyang dinala sa hospital...

Ako? Umiiyak pero nilalakasan ko ang loob ko. Alam kong umpisa pa lang yan. At alam kong kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon, mawawala din yun..

----------------------------------------------

Waaahhh. Konti na lang matatapos na! ^^

THE PAIN INSIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon