Minsan kahit saan tayo lumagar, saan tayo pumunta, sino ang kasama natin hindi natin maiwasan kung anong nakasanayan natin at kung sino tayo. Kahit ilang beses natin baguhin kung sino tayo, lalo lang tayong nahihirapan at nabibigo. Gago. Makasarili. Walang alam sa mundo. Bobo. Walang pakealam. Pilosopo. Iyan siguro ang depinisyon ng mga taong nakakakilala sakin hindi nila alam ang kagaya ko ay katulad din nila na nasasaktan at may pakealam. Hindi lang ako nagpapahalata, pero may pakiramdam din ako. Nakikiramdam lang ako. Sa pagpasok ko sa paaralang ito mas lalo palang gugulo ang magulo ko ng mundo. May mas isisira pa pala ang matagal na sira na kagaya ko. May mas ikakagalit pa pala ang mundo ang dating galit na sakin. May mas bobo pa pala ako. Dahil sa pagpasok ng bagong karakter sa istorya ko ang magpapabago ng lahat sa buhay ko.