Nagkakilala sina Amir at Rebeka sa WOMANLAND,kung saan isang prinsesa si Rebeka at isa naman ordinaryong bampira si Amir,ang apo ng mangkukulam na si Lupe. Matapos ang kaguluhan at kasamaan ng nakakatandang kapatid ay nakapiling na din ni Rebeka ang kanyang tatlong kambal na nahiwalay sa kanya dahil sa kagagawan ng sakim na kapatid. Nang maging payapa na muli ang Womanland. Pinili ng pamilyang Halpert na mamuhay sa mundo ng mga tao. Subalit ang namumuong pag-iibigan nina Prinsesa Rebeka at Amir ay nauwi sa panibagong simula dahil sa kagagawan ng mga anak ng prinsesa at ni Lupe naman na burahin nito ang alaala ni Rebeka kung saan nagkakilala sila ni Amir. Magsisimula muli ang pag-iibigan nila sa mundo ng mga tao. Muli kaya titibok ang puso ni Rebeka para kay Amir ngayon ay hindi na niya ito makilala pa. Hahayaan kaya ni Amir na mawala ang pag-ibig ni Rebeka para sa kanya? Sisimulan ang panibagong yugto ng kanilang pag-iibigan sa bagong mundo na ginagalawan nila.