Walang ibang pinag alayan ng pag mamahal si Zoe kundi ang nag iisang heartthrob ng kanilang eskwelahan na si Phytos Ramirez. Kahit batid niyang ang tunay na nagugustuhan nito ay kanyang kaibigan na si Anndrei ay minahal niya ito ng palihim. Lahat gagawin niya sumaya lamang ito at wala siyang hinihinging kapalit mula dito. Kahit masakit para sa kanya na tulungan itong mapalapit sa babaeng gusto nito ay ginawa parin niya. Ngunit sadya talagang sinusubok siya ng kapalaran dahil nalaman niya mula kay Juliana na ginamit lang pala siya nito upang matuloy ang balak nito na pakikipaglapit sa kaibigan niya. At wala nang mas sasakit pa sa kaalamang pinagpustahan lamang siya ng mga kaibigan nito at peke ang pakikitungo nito sa kanya at mga atensyong ibinigay sa kanya. Sa muling pagbabalik niya sa Pilipinas paano niya pakikiharapan ang isang lalaking minsan nang nanakit ng damdamin niya lalo pa at ito ang kasosyo ng kumpanyang pinatatrabahuhan niya bilang modelo. Makakaya ba niyang makaiwas sa presensya nito lalo pa at di niya batid na gumagawa na ito ng hakbang upang mapalapit siya dito.
30 parts