WARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo makuha ang mga bagay ng nanaisin mo. Sabi din nila hindi problema ang kahirapan para maabot mo ang mga pangarap mo. Sabi nila lahat ng bagay mag sisimula sa mahirap. Sabi nila walang madali, kung may gusto ka maabot kailangan mo mag hirap. Sabi nila kung hindi mo maabot ang pangarap mo ngayon, maaring bukas makuha mo na. Kaya ako... Siguro... Bukas na lang ako mangangarap. Para sa akin. Sa ngayon, pangarap muna ng pamilya ko. Handa ako pag daanan kahit ang pinaka maliit na butas ng karayom. Handa ako gawin ang lahat. Kaya bukas na lang ako mangagarap para sa sarili ko. Baka bukas di na ako ang puta.