XVII

1.7K 9 3
                                    

Nilapag ko ang isang baso ng kape sa harap ni Rikki.

"Salamat" wika nito, ngumiti lang ako at umupo sa harap nya

"Malayo ang tingin mo a" wika ko

"May iniisip lang ako" sagot nito bago tumingin sa akin "Gusto mo pa ba ang trabaho mo?" Tanong nito

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko

"Alam mo Aey, maganda ka pero ang slow mo" natatawang wika nito bago naging seryoso ulit "Ano ba sa tingin mo ang ibig kong sabihin?"

Huminga ako ng malalim "Ilang buwan na ba simula ng mag simula ako sa trabaho kong ito?" Tanong ko "Sa totoo lang, sa kinikita ko, masaya na ako, pero sa uri ng trabaho na meron tayo?" Huminga ako ng malalim at umiling bago sumagot "Hindi ko alam"

"Ang tinataga ko na nga lang sa isip ko na wala talagang madaling trabaho" natatawa nyang wika "Alam mo, nung bago ako, limpak limpak din ang kinikita ko, ang kaso, namatay ang tatay ko nagkautang hanggang sa ako na ang umako ng bayarin" nakita ko ang pag galaw nya bago nya nilapag ay isang litrato ng bata "Ang pogi ng anak ko no"

Napatingin ako sa kanya at sa litrato"May anak ka?" Nag tataka kong tanong

"Kakasabi ko lang teh" natatawa nyang wika, natawa din ako "Oo, 17 years old ako nung nagka anak ako" nakangiti nyang wika "Una masaya kasi May isang anghel sa buhay ko, nabuntis ako ng boyfriend ko, nag sama kami nang halos isa't kalahating taon, masasabi ko na... Hindi ganun kasaya ang pag sasama namin, pero di ko din naman masasabi na ganun kasama ang pag sasama namin, kumbaga sa normal na couple, nag aaway, nag bati.

Mas matanda sya sa akin ng sampung taon, 17 ako 27 sya, hanggang isang araw, nalaman ko na May babae sya, mas maganda at kasing edad nya. Umalis sya ng bahay at sumama sa babae nya, nakiusap ako na wag nya kaming iwan, lumaki kasi akong hiwalay ang magulang, ayaw ko maranasan ng anak ko ang naranasan ko. Pero ganun talaga ang kapalaran.

Isang araw din, kinuha ang anak ko ng kanyang tatay, wala akong nagawa, ang tanging trabaho ko lang noon ay sa palengke, ang trabaho ng tatay nya ay isang engineer, so sino nga ba naman ako diba, kaya pinaubaya ko na muna sya sa kanyang tatay, hanggang sa May nag alok sa akin sa trabahong ito, 18 ako nung pinasok ko ito, limang taon na ako dito at heto ako, nandito pa rin, hindi umaabante, hindi nakakakilos"

Habang nag kwekwento sya ay nakatingin lang ako sa kanya habang sya ay nakatingin sa kawalan.

Hindi mo talaga malalaman ang pinagdaanan ng isang tao, hindi tayo pare-pareho ng daan na nilalakbay, hindi natin alam kung paanong laban ang ginagawa nila, hindi natin alam ang kwento ng bawat isa.

Sa ilang araw na kasama ko si Rikki, nakikita ko na masayahin syang tao, pero sa likod ng kanyang mga ngiti ay May ganun pala syang kwento.

Sa totoo lang, lagi ako napapatanong kung bakit ganito ang kailangan natin pagdaanan, pwede naman na mag shortcut tayo, diba.

Pero kung ganun ang mangyayari, hindi tayo magiging matibay.

Ang sabi nila, ang nag papatibay sa isang tao ay karanasan.

Karanasan din ang nagiging sandata natin sa hamon ng buhay.

Sabi pa nila na you are nothing but experience.

Tama ba ako?

Haha

Basta yun.

Hindi ko alam, hindi natin alam kung hanggang kailan tayo lalaban. Pero bawat sikat ng araw ay bagong pagasa ang pag lubog ng araw ay bawat pahinga natin sa hamon nang ating kinaharap.

Saksi ang bawat ulap sa lahat ng ating pag lalakbay.

Hindi man natin makita ang mga sakripisyo natin ngayon, pero sa takdang panahon.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon