May ilang Linggo o sabihin na natin na isang buwan na akong walang kinikita dahil sa pagiging freelancer ko. Paubos na din ang perang naitatabi ko, nahihiya na din ako kila Jeya at Rikki dahil halos wala na ako maiambag sa kanilang tinutuluyan.
Halos nag bago na din ang kinikilos ni Josefa matapos ng pangyayaring iyon, naging mailang at hindi na kami masyado nag uusap. Mag usap man kami, di na katulad ng dati.
"Oh Aey, kamusta?" Bungad na tanong ni Jeya ng makapasok na ako sa kwartong tinutuluyan, katulad ng dati nyang pustura ay ganun pa rin sya ngayon
"Ayos lang, kayo ba?" Tanong ko bago dumaretso sa ref at kumuha ng tubig
"Tumawag si tita" napatingin ako sa gilid ko ng mag salita si Josefa, halos pasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang baba
Ibang ibang na sya sa dati kong kaibigan, ang damit nyang kumikinang at halos makita na ang kanyang kaluluwa, ang mga palamuti sa kanyang mukha na ngayon ko lamang nakita.
"*Ehem* ano sabi ni nanay?" Tanong ko
"Sumugod si aling Anna, naniningil na daw" wika ni Josefa at umupo
"Tss di na nag bago yan si aling Anna, eskandalosa pa rin" wika ni Jeya
"Di ko masisisi si Aling Anna, pera nya yun e" wika ko at umupo din sa upuan
"May utang ka pa din sa tiya mo" wika ni Josefa
Oo nga pala... Muntikan ko na makalimutan ang bagay na iyon. Di ko na alam kung saan pa ako huhugot ng lakas ng loob para mag pa tuloy.
Huminga ako ng malalim at napayuko... Ano na lang ba gagawin ko?
Napatingin ako ng tunog ang telepono na pag may-ari ni Josefa.
"Oh baka customer mo yan" wika ni Jeya, agad na nag lakad si Josefa at kinuha ang kanyang telepono sa loob ng kanyang bag
"Yes hello?" Wika ni Josefa nang masagot ang tawag sa telepono, pati ang kanyang pananatili ay halos nakakapanibago "Oh Janna bakit? Si tita?" Napatingin si Josefa sa akin, agad ako tumayo at lumapit sa kanya, halos atakihin din ako ng kaba ng banggitin nya ang nanay ko "Oo, nandito, kausapin mo" binigay sa akin ni Josefa ang telepono
"Janna" wika ko
"Ate" tumatangis nyang wika "Si nanay"
"Bakit anong nangyari kay nanay?" Kabado kong tanong
"Inatake sa puso si nanay... Ate, ano gagawin ko? Di ko alam ang gagawin ko"
Halos manginig ako at halos gusto ko umalis, tumakbo at umuwi para puntahan ang nanay ko "Nasaan sila Joseph? Si Irene?" Tanong ko
"Nandoon muna sa nanay ni manang Josefa, doon ko muna sila iniwan, nasa ospital kami" sagot ni Janna
"Anong sabi ng doctor? Kamusta na daw si nanay?"
"Sa ngayon binigyan muna si nanay ng ilang gamot, pero ate di ko alam kung saan ako kukuha ng pera, gustuhin ko man tumawag kila tiya para humingi ng tulong, pero di ko alam paano bukod sa gamot, ate, ang sabi ng doctor kailangan maoperahan si nanay"
Halos mapaupo ako sa upuan ng marinig ko ang lahat ng sinabi ni Janna. Ano na lang ang gagawin ko?
"Sige, Janna, ikaw na muna bahala kila nanay, gagawa ako ng paraan ah" pilit na salita ko kahit gusto na kumawala ang luhang pinipigilan ko "Mag ingat kayo, gagawa muna si ate ng paraan"
"Sige po ate, mag ingat din po kayo ni manang Josefa dyan"
Halos manlumo ako sa sarili ko dahil maski ako di ko alam kung anong paraan pa ang gagawin ko.
"Aey" tawag ni Josefa dahilan para kumawala na ang luhang pinipigilan ko
Niyakap ako nito at halos parang gripo ang mga mata ko dahil sa luha.
Iniyak ko lahat ng sakit sa dibdib ko habang nakayakap si Josefa at hinihimas ang likod ko.
Nang mahimasmasan na ako ay nag pasya akong mapag isa at pumasok sa loob ng aming kwarto at sinubsob ang aking mukha sa unan.
Narinig ko pa ang paalam nila Josefa sa akin bago sila umalis at pumasok sa kanilang trabaho.
Ngayon mag isa ako sa bahay, madilim at di alam ang gagawin.
Gusto ko na sumuko dahil sa problemang ito pero di ko alam kung paano.
Gusto ko nang pahinga pero pati sa aking pag pikit at pag higa sa kama ay di ko magawang mag pahinga.
Bakit ganito na lang ang nangyayari sa akin? Pinanganak ba ako na ang kakambal ko ay sumpa kung kaya ganito ang napagdaanan ko?
Simula ng mawala ang tatay ko nag kada letse letse na ang buhay namin. Ni pati ang pang hustisya sa aking ama ay di ko mahanap dahil mahirap lang kami.
Mahirap maging mahirap. Limitado ang galaw, ang pangarap at limitado lang din kung kailan ka magiging masaya.
Mahirap maging mahirap.
Hindi ko alam kung saan na nakarating ang aking isip. Ang alam ko lang lumilipad ito sa alapaap.
Pinikit ko ang aking mga mata kasabay ng pag tulo ng aking luha.
Panginoon, kung ano man ang aking magiging desisyon, gabayan mo sana ako.
Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakaidlip. Nang naalimpungatan ako.
Tumayo ako sa aking pag kakahiga at lumabas ng kwarto, madilim sa buong paligid. Lumapit ako sa switch at binuksan nag ilaw
"Jeya?" Wikang patanong ko "Ang aga mo naman yata umuwi?"
"Sumama ang pakiramdam ko, girl" sagot nito "Ikaw? Natulog ka ba? Ala sais pa lang ng umaga"
"Nakaidlip, oo" lumapit ako dito at umupo sa sofa, sa tabi nya "Jeya, may hihingiin sana akong pabor sayo?"
Ngumiti ito "Magkano ba?" Nagulat ako sa tanong nito "I mean, pahiramin kita, pero di ganun kalaki ang mapapahiram ko sayo, alam mo namang May sinusuportahan din ako sa probinsya"
Huminga ako ng malalim "Kailangan ko lang talaga"
Tinapik ako nito sa balikat "Alam ko, tsaka di na bago sa akin sila tiya, para ko na ding nanay iyon"
"May isa pa akong pabor" napayuko ako nag hahanap ng magandang salita para sabihin sa kanya "Di ko alam kung paano ko sasabihin sayo"
"Kahit ano pa yan, handa akong tumulong sayo, ano pa at naging mag kaibigan tayo diba" nakangiting wika nito
"Ipasok mo ako sa trabaho nyo"
"Huh?!" Gulat na patanong nito "Aey... Seryoso ka ba? I mean, marami dyang magandang trabaho na marangal"
"Aanuhin ko ang marangal na trabaho kung kailangan na ng pamilya ko nang pera, Jeya... Gagawin ko ang lahat para sa pamilya"
"Pero di ito ang babagay na trabaho para sayo, Aey, sa oras na pinasok mo ito, hindi madaling lumabas, Aey may pinag aralan ka, kung tutuusin, sa ating tatlo ako ang kulelat, Ae-"
"Pakiusap, Jeya gusto ko na umalis sa ganito"
"Mahirap mapunta sa sitwasyon ng pagiging puta, Aey, katulad ni Josefa, alam kong di nya gusto kung kaya, sa tuwing naririnig ko syang humahagulgol, di ko maiwasan na sisihin ang sarili ko, Aey"
Hinawakan ko ang kamay nya at tinignan sya sa mata "Pakiusap, alam ko na mahirap mapunta sa ganyang sitwasyon, pero para sa pamilya ko, handa ko isakripisyo ang lahat" hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay at binigyan sya ng nakikiusap na mga mata "Hindi ako hahantong sa punto na sisihin kita, pangako, tulungan mo ako makapasok"
Huminga si Josefa "Kaibigan kita, hindi ko hahayaan na mapunta ka dito"
"Kung kaibigan kita, tutulungan mo ako... Pakiusap"
To be continued
A/N : Sorry sa mga wrong grammar o spelling, di ko ma-edit dahil busy sa work ang lola nyo, for more announcement din, follow nyo naman ako hahahaha
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...