Nagising ako tapik na ginawa ni Josefa sa akin.
"Nandito na tayo sa Maynila, Aey" rinig kong wika nito, binuksan ko ang mga mata ko at tumingin sa labas ng bintana
Pasilip na si haring araw, nakita ko din ang nag lalakihang mga gusali, mga sasakyan at ilang tao na nakikipag sapalaran sa umaga.
Inayos ko ang gamit ko at ang sarili ko ng huminto ang bus na sinasakyan namin ni Josefa. Hinintay namin na makababa ang ilang tao bago kami bumaba at kinuha ang aming gamit sa compartment ng bus.
Nilingon ko si Josefa na May kausap sa telepono habang hila hila ang gamit namin.
"Ano?" Wika ko
"Hintayin daw natin sila dito" wika ni Josefa "Tara upo tayo doon" turo ni Josefa sa mga upuan
Nang makaupo kami ay tinignan ko ang paligid. Ibang-iba sa lugar na nakasanayan ko. Parehas na Pilipino pero ibang buhay. Yung iba ay May hawak ng bata habang namamalimos, may mga bangketa sa paligid, may taong tumatakbo, May mga batang nakikipag patintero sa mga sasakyan.
"Nag text si Nox" wika ni Josefa "Nakalimutan daw natin mag paalam" natatawang wika ni Josefa habang nakatingin sa telepono nya
"Oo nga hindi din natin sya nasabihan" wika ko
"Hayaan mo na sya" wika nito habang binulsa ang telepono nya
"Ay! Hala!" Napatingin ako sa kalsada ng may narinig ako
May isang magandang sasakyan ang nakahinto habang sa harap nito ay may nakaharang na babae.
"Yung babae!" Wika ng ibang tao sa terminal
Bumaba ang driver ng sasakyan at nilapitan ang babae at kinausap ito.
Hindi ko masasabi na gusgusin ang babae dahil ang kinis nito at mukhang mayaman.
Halos itulak ng babae ang lalake at pukpukin ang sasakyan nito ng bag.
Narinig ko naman ang pag sipol ni Josefa kasabay ng pag labas ng isang lalake mula sa likod ng sasakyan.
Matipuno ang katawan ng lalake. Suot ang salamin ay halata mong mayaman ito dahil sa kanyang suot, matangos ang ilong nito at masasabi ko na gwapo ito.
Napa 'oh' ang lahat ng biglang ibato ng lalake ang pera sa mukha ng babae, halos mag kagulo naman ang ilang tao at lumapit doon at pinulot ang ilang pera na binato ng lalake.
May sinabi ang lalake at ang tanging nabasa ko lang sa bibig nito ay ang salitang 'slut' bago napalingon sa gawi namin, halos parang napako ako sa aking kinauupuan ng mag tama ang tingin namin, bago ito sumakay sa sasakyan at umalis.
'Hindi naman nya ako tinignan, diba?' Psh pelingera
Mukhang gulat din ang babae dahil sa ginawa ng lalake.
'Hipokrito' wika ko sa aking isip
Walang nagawa ang babae at sumakay sa isang taxi at hinayaan ang ilang tao na nag kakagulo sa pera.
Ganun ba kadali sa mayaman na mag tapon ng pera?
Huminga ako ng malalim at nag hanap ng pwede pag aksayahan ng oras.
May parang isang oras naman ang pag hihintay namin ng dumating ang babae.
Maliit lang ito na medyo malusog, pango ang ilong at bilugan ang mukha.
Binati kami nito at inaya na sumakay sa isang sasakyan, isinakay nito ang aming gamit bago kami umalis.
Nag kwento ito patungkol sa trabaho na pwede naming gawin sa Japan. Katulad ng sabi nya isa kaming waitress, pwede pa daw tumaas ang sahod namin pag na promote kami.
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
