IV

8.8K 13 0
                                    

Hawak hawak ang plastic na may ulam sa loob, gabi na at ngayon lang ako nakauwi dahil tumulong ako sa pag trabaho sa bahay ng ante ko.

Dala ang Plastic ng ulam at ang ngiti na alam kong magugustuhan ng mga kapatid ko ang iuuwi kong pagkain.

"Janna" tawag ko "Nay" salubong ko sa nanay ko sabay yakap, bumitaw din ako at nag mano "May uwi po akong pagkain" nilapag ko ito sa lamesa at kumuha ng plato

"Saan galing yan?" Tanong ng nanay ko

"May nag hahanap po kasi ng part timer sa bayan, kaya pumasok po ako, sayang po kasi" pag sinungaling ko

"Wow manok" wika ni Joseph

"Paborito mo yan diba?" Wika ko at pinisil ang pisngi nya

"Huling kain ko nito nung nag tapos ako ng elementarya" wika ni Janna "highschool na ako at mag tatapos na ulit, ngayon lang ulit ako nakakain nito" natawa ako sa sinabi ni Janna

"Edi ito na ang advance na handa mo, o'sya kumain na kayo" wika ko

Naka ngiti ko silang tinignan habang nakain.

"Anak," tawag ng nanay ko kaya napalingon ako

"Nay, may nahanap po akong trabaho" pangunguna ko

"Talaga, saan?" Nakangiting tanong ng nanay ko

"Sa ibang bansa po, sa japan, malaki ang sweldo at makakabayad po tayo sa mga utang natin"

Nawala ang ngiti ng nanay ko at hinawakan ako "Anak, masyado malayo doon, paano kung may mangyari sayo doon, anak mas mabuti na dito ka na lang, hayaan mo akong mag bayad ng utang natin, wag kang umalis"

"Nay, May sakit po kayo, mas maganda po na kayo rin ang nandito para bantayan sila Joseph, Nay, kaya ko na po ang sarili ko, sa oras po na di ko na kaya, uuwi po ako, nay, mag tiwala lang po kayo"

Niyakap ako ng nanay ko "May tiwala ako sayo anak," bumitaw sya sa pag kakayakap, "Pasensya kung ikaw ang gumagawa ng responsibilidad na dapat ako"

"Nay, ginusto ko po gawin, ginusto ko po tumulong sa inyo" nakangiti kong wika

__________________________________

Nakatingin ako sa cheque kung saan nakasulat ang amount ng pera na hiniram ko sa ante ko.

Wala na talaga atrasan...

Napatingin ako sa bintana ng May narinig akong sumisipol.

Huminga ako ng malalim at nilagyan ang cheuqe sa lalagyanan ko ng damit.

Isa lang naman ang sumisipol ng ganitong oras.

Lumabas ako ng kwarto at hawak ang gasera bago lumabas ng bahay.

"Bakit?" Wika ko ng makita si Josefa

"May nahiraman ka na?" Tanong nya

"Ikaw?"

"Meron na" nangunot ang noo ko

"Saan ka kumuha ng pera?"

"Sinangla nila nanay ang kalabaw, sakto May ipon rin ako, sabi ko naman sayo noon na gusto ko kumawala dito, kaya nag ipon na din ako. Pwede na din tayo umalis bukas"

"Bukas? Ang bilis naman"

"Alam ko kasing makakahiram ka ng pera, kaya nung nasangla na ang kalabaw ay tinawagan ko agad si ma'am, ang sabi nya bukas ipapadala nya ang ticket natin para makaluwas ng Maynila at doon na lang daw tayo mag kita, ginagawa na din ang papeles natin at baka daw bukas tapos na iyon"

"Ang bilis naman matapos ang papeles?" Wika ko "Sigurado naman yan diba? Medyo nag aalangan ako kasi bakit ang bilis matapos ng papeles natin?"

"Tss, wag ka na mag alangan, atleast makaka alis agad tayo, nabayaran mo na ba yung utang nyo kay aling Anna?"

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon