IX

3.7K 11 0
                                    

Natuloy si Josefa at si Jeya sa kanilang pupuntahan, buo na ang loob ni Josefa na mag trabaho kung saan nag tratrabaho si Jeya, habang ako ay hindi naman natuloy.

Mas gusto ko pa rin kumita sa malinis na paraan.

Ang sabi naman ni Josefa ay hindi sya papayag na may humawak sa kanya, ang sabi nya lang ay isa syang taga hugas ng plato.

Sa pag alis naman nila Josefa at Jeya, umalis din ako para mag hanap ng trabaho, sakto naman na hiring na taga benta ng condo o taga alok ng condo sa isang mall sa May malapit sa aming tinutuluyan.

Bumabase ang kita mo sa isang condo na maibebenta mo.

"Freelancer lang tayo dito, ang ibig sabihin ay kung gaano kadami o kung gaano kalaki ang kita mo sa kada mabebentahan mo ng condo, 2% doon ang sayo" wika ng pinaka manager daw namin

"Naiintindihan ko po" sagot ko

"Ito..." Inabot nya sa akin ang ilang papel "... tutal nandito ka rin naman, mag simula ka na, alukin mo ang kada taong madaraan dito"

"Sige po" nakangiti kong wika

"O'sya sige, Amanda ikaw na bahala dito" wika ng manager bago ito mag paalam sa amin

Ngumiti naman sa akin ang babae at lumapit.

"Ano pangalan mo?" Tanong ng babae "Ako pala si Amanda" wika nito habang nakangiting nag bibigay ng papel sa mga taong nadaan sa harap namin

"Aey na lang" wika ko "Condo po" alak ko sa babaeng dumaan sa gilid ko, umiling naman ito

"Probinsyana?" -Amanda

"Huh?" -Ako

"Wala... May isang buwan na ako dito, kaso wala pa rin akong nabebenta na condo, yung iba halos tanong lang, yung iba halos gusto lang makita ang kabuuan ng condo, May isang muntikan na pero naagaw pa"

"Bakit di ka mag hanap ng iba?" Tanong ko

"E Ikaw bakit nandito ka?"

"Hangga't wala pa akong mahanap na trabaho, mag babakasakali muna ako dito"

"Parehas tayo, jusko ang hirap mag hanap ng trabaho, sumubok ako sa isang fastfood, pero sa requirements pa lang di ko na kaya ang gastos, kaya nga kayo nag hahanap ng trabaho kasi wala akong pera tapos pag gagastusin nila ako... Condo po ser..."

"Ikaw probinsyana ka din?"

"Oo, sa probinsya ako pinanganak at lumaki, pero nung mag hayskul ako, lumipat na kami dito" tumingin sya sa akin "Ikaw sa itsura mo pa lang mahahalata ng probinsyana ka, mainit sa Maynila pero Naka mahaba kang damit, hindi din pwede na masyado kang mahinhin o malambot pag nandito ka sa Maynila, madaming masasamang tao dito... Kita mo yang mga taong yan? Hindi mo alam kung sino ang asal tao o asal hayop, pero madalas ang ibang tao na nandito ay nag bibihis tao lang, pero hayop pala"

"Hindi natin pwede husgahan ang tao pag hindi talaga natin sila kilala" wika ko "Para malaman mo kung tunay talaga ang pakay nila sayo, kausapin mo, kaibiganin, sa pananalita, sa galaw, malalaman mo ang tunay na kulay nila... Condo po Miss"

"Tama nga naman, pero may tao na magaling mag salita, magaling mag tago... Bakit ka ba napunta dito sa Maynila?"

"Kailangan ko ng trabaho, hindi ako aahon sa hirap pag nanatili ako sa probinsya"

"Pudpod na ang ganyang rason, halos ganyan din ang naririnig ko sa ibang kakilala ko na galing probinsya, pero kahit saan ka naman pumunta dito sa Pilipinas, kahit gaano ka mag sumikap walang mangyayari sa mga sakripisyo mo, nasa Pilipinas ka kung saan, baliwala ang sakripisyo at pag susumikap pag mahirap ka" napatingin sya sa akin "Lumuwas kami ng pamilya ko dito kasi katulad ng rason mo ang rason namin, gusto namin umangat, jeepney driver ang tatay ko habang ang nanay ko ay labandera, nakapag tapos naman ako ng hayskul, pero hindi na tumuloy sa kolehiyo, average student lang ako, hindi ako matalino kaya hindi ako nakakuha ng scholarship, kaya nag trabaho na lang ako...Condo Mrs..." Tumingin si Amanda mula sa malayo "Isang araw naman, inatake si mama sa puso, kailangan operahan, ang pera namin ay sakto lang palagi sa isang araw, pero di kalaunan ay naoperahan ang nanay ko, pero pinatay naman ang kapatid ko ng isang sindikato, hindi nya daw kasi binalik ang pinagbentahan nya ng droga.

Sa sobrang stress ng tatay ko hindi na sya nakakapasada hanggang sa natanggal sya sa trabaho. Pero alam mo ang malupit dun, nung makalabas si mama ng ospital, isang linggo naman nun nung makulong si papa, alam mo ang kaso? Nag nakaw ng mangga, kita mo nga naman, para sa mangga nawawalan ng kalayaan ang mahirap, yung mga pulitiko nga dyan mahigit pa sa mangga ang ninakaw pero ano ang nangyari? Yumayaman pa"

Huminga ako ng malalim "Bakit?... Ahm... Bakit mo sinasabi sa akin yan?"

Tumingin sya sa akin "Di ko din alam. O'sya mag benta na tayo" wika nito bago humiwalay sa akin

Nag simula na din ako mag alok sa ibang tao. May mga kumukuha ng papel meron naman na kinukuha at tinatapon lang, May iba naman na puro tanong lang.

Lumipas ang araw na iyon na pagod lang ang aking nakuha, kung kaya ay paguwi ko ay halos alas nuwebe na ng gabi, wala ng tao sa kuwarto na aming tinutuluyan maski si Josefa, May isang sulat naman ang nandoon na nag lalaman na umalis nga sila at sinama si Josefa sa kanilang trabaho.

Hindi ko masisisi si Josefa kung pinili nya ang ganung buhay, hindi ko masisisi sila Jeya at Rikki kung bakit sila napunta sa ganung trabaho.

Hindi ko lang maintindihan na kung bakit hanggang ngayon nandoon sila. Hindi ko lang maintindihan...

Hindi na ako nag abalang buksan ang mga ilaw at pumasok ako mismo sa aming kuwarto.

Binagsak ko ang katawan ko sa higaan ko. Sobrang nakakapagod...

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog.

"Buhay pa ba yan?" Rinig ko

"Ewan ko kanina ko pa ginising yan" wika naman ng isa

"Dalhin na kaya natin sa ospital?" Patanong na wika ng isa

Dinilat ko ang mata ko at nakita sila Rikki, Jeya at Josefa.

"Tss" umupo ako mula sa pagkakahiga ko

"Ah buhay pa" sabay na wika nila

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko

"Alas otso na baka lang maaga ang pasok mo" wika ni Josefa "Ginigising din kita kasi tumawag si Janna kanina, nag kita daw sila ni anti mo, naniningil na"

"Psh buhay naman pala, Josefa, mauuna na ako at matutulog" wika ni Rikki

"Tulog na din ako, you know beauty rest na" -Jeya

Tumungo lang ako sa kanila. Tinignan ko din si Josefa.

"Nakuha ko na ang paunang sahod ko para kagabi, 500 maliit pero ayos lang" kwento ni Josefa "Hugas plato lang naman ang ginagawa ko" huminga ako ng malalim "Ano ang gagawin ko, Aey?"

"Bakit?" Tanong mo

"Masyado ako nasisilaw sa pera na kinita nila Jeya kagabi, gusto ko din ng kalaking kita, pero ang kalaban ko, dignidad ko"

"Ikaw lang ang makakasagot dyan"

"E Ikaw? Kung ikaw ako, Aey? Ano gagawin mo?"

"Hindi ko alam... Siguro... Siguro sasabay na lang ako sa agos"

Konting katahimikan ang nanaig sa aming dalawa ni Josefa.

"Pero gusto ko na mabili ang mga bagay na gusto ko, mapuntahan ang mga lugar na gusto ko, di ko alam kung paano mag sisimula sa lahat ng pangarap ko, Aey, bakit parang tila'y ang hirap-hirap abutin ang pangarap kahit maliit lang"

Napatingin ako kay Josefa na nasa harap ko na nakaupo.

"Wala e, naalala ko, Aey, mahirap nga lang pala tayo kung saan, ang pangarap ay isang bituin at tayo ay lupa"

To be continued

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon