"Aba May ilang Linggo at inabot na kayo ng buwan na hindi pa rin makakabayad sa utang, ano ba talaga plano nyo!?" Nagising ako 1dahil sa sigawan na nanggagaling sa labas
Tumayo ako at lumabas ng kuwarto.
"Ate" tawag ni Janna
"Bakit? Ano ang nangyayari?" Tanong ko
"Si aleng Anna naniningil na ng utang" sagot Ni Janna
"Dito lang kayo" wika ko at lumabas
Pag labas ko ay halos maabutan ko si aleng Anna na dinuduro duro ang nanay ko.
"Nay" wika ko at lumapit
"O nandyan na pala ang panganay mo, ano na Aey, yung utang nya kailan nyo babayaran? Aba hindi ako namimigay ng pera, hindi biro ang isang daan libo, Aey" wika ni aleng Anna
"Mag babayad naman po kami, sa ngayon-"
"-Sa ngayon ano? Wala pa? Kasi kakamatay lang ng tatay mo? Pinag bigyan ko na kayo, Aey, alam kong gipit kayo pero sana maintindihan nyo din ako" putol nito sa sasabihin ko "Kailan nyo ako babayaran? Pag puti na ang kalabaw? Sige kung ayaw nyo ako bayaran, kukunin ko na lang ang kalabaw nyo para naman mabawasan kahit papaano"
"Aleng Anna yun na lang po ang bumubuhay sa amin, paki usap po mag babayad po kami, gagawan po namin ng paraan"
"Sige, pero huli na ito, Aey, paki usap, isang Linggo, bayaran nyo ang utang nyo"
"Masyado po maikli ang isa-"
"Bayad o ipapakulong ko kayo! Wag ka pala desisyon, ang tagal na ng utang nyo, tapos!" wika nito bago kami talikuran at padabog na nag lakad
Napakagat ako ng labi at napayuko.
Saan naman kami kukuha ng isang daang libo?
Narinig ko ang pag hinga ng nanay ko ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay.
Sinundan ko ito "Janna pumasok muna kayo sa loob ng kuwarto" wika ko
"Opo ate" sagot ni Janna bago inaya ang kapatid namin papasok ng kuwarto
Tinignan ko ang nanay ko na nag aayos ng mga gulay na syang ilalako nya mamaya.
"Hingi po kaya tayo ng tulong kay tita Mirna" wika ko
Napatingin ito sa akin "Aey, alam mong hindi pwede"
"Nay"
"Kahit anong mangyari hindi ako, hindi tayo hihingi ng tulong sa kanya, mas malupit sya maningil, Aey, alam mo yan" wika nito
"Pero wala na po tayo-"
"Kaya ko, Aey, makakabayad tayo" wika nito at binuhat ang basket ng gulay
Napaupo ako sa upuan at napahawak sa ulo ko.
Bakit kasi ipinanganak akong mahirap, bakit mahirap kami.
Tumayo ako at nag hilamos ng mukha at nag mumog.
"Janna ikaw na muna bahala dito" wika ko habang inaayos ang bag ko at nilalagay ang ilang gamit sa loob
"Saan ka pupunta ate?" Tanong nito
"Dyan lang" ngumiti ako at lumabas
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang alam ko lang kailngan ko ng pera.
Kailangan namin makabayad. Kailngan ko gumawa ng paraan.
"Aey" napatigil ako sa pag lalakad ng May tumawag sa akin, napaharap ako sa likod ko at nakita ko si Josefa "Sinugod daw kayo ni Aleng Anna sa bahay nyo?"
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomansaWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...