VIII

5.4K 13 2
                                    

Nag tagal pa kami sa mall at nag pasya kami ni Josefa na mag hiwalay muna at magkaroon ng self time.

Bumili lang kami ni Josefa ng aming chichirya bago kami mag hiwalay kaya May nakakakain kami.

Napatingin ako sa ilang mga bata na nag tatakbuhan at nag hahabulan.

Nung bata ako, gusto ko na lumaki at magawa ang mga bagay na nagagawa ng matatanda na hindi pwede gawin ng bata.

Nung bata ako gusto ko na tumanda para mag trabaho at mabili ang gusto ko.

Nung bata ako halos eskwela, laro bahay ako, kung tumulong man kami sa bukid ay masasabi ko naman na masaya pa rin kami.

Nung bata ako ang tanging problema ko lang ay kung paano tumakas ng hapon para makipag laro, kung paano mag tulug-tulugan at hinihintay na makatulog o makaalis ang magulang namin para kami ay makapag laro.

Pero ngayon...

Ngayong matanda na ako parang gusto ko bumalik sa pagkabata kung saan simple lang ang problema ko.

Pero hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay, tatanda at tatanda tayo kung saan magiging mulat tayo sa realidad na hindi laro ang buhay.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay nakarating ako sa dulo ng seaside ng mall kung saan maraming nakaparadang yate.

Papalubog na ang haring araw, isang pahina nanaman ng istorya ko ang matatapos.

Umupo ako sa parang bench na nandoon.

Napapikit ako ng umihip ang malakas na hangin.

Napatingala ako habang nakapikit at ninanam ang malamig na hangin.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto ako nakapikit dumilat na lang ako ng maramdaman na parang may nakatingin sa akin.

Napatingin ako sa gilid ko at hinanap ang nag mamayari ng mga matang iyon.

Bukod sa ilang mga yate na nakatambay ay wala na akong napansing ilang tao.

"Oy" napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Josefa "Wow ang ganda naman dito"

"Kaya nga e" sagot ko "Saan ka galing?"

"Nag libot libot lang, windows shopping ganun ikaw?" -Josefa

"Same" -Ako

"Grabe ganyan pala kalaki ang yate no, ay mali iba iba lang ang size nila" wika ni Josefa habang binubuksan ang chichirya

"Kaya nga" sagot ko na lang at kumuha ng chichirya na inalok nya

"Sa tingin mo kailan tayo makakasakay dyan?"-Josefa

"Malay natin maka sakay tayo balang araw"-Ako

"Psh sana nga"-Josefa

Tinignan ko ulit  yateng nakatigil sa di kalayuan. Nakita ko naman ang ilang mga kalalakihan na bumaba mula doon.

Men in black.

"Ang gwugwapo, animal" rinig kong pigil na tili ni Josefa

Napailing ako habang pasimple nang tinitignan ang ilang mga lalake na nag lalakad palayo ng yate.

Sa dinami ng lalake na bumaba sa yate isa lang ang nakatawag ng pansin ko.

Ang isang lalake na nasa gitna habang pinalilibutan sya ng ilang mga lalake din.

Parang pamilyar sya sa akin pero di ko tanda kung saan at kailan ko sya nakita.

Nakasuot ito ng purong itim habang may salamin sa mata.

Lumingon ito sandali sa gawi namin bago tumingin ulit sa harap.

May sinabi pa ito sa ilang lalake bago May tumigil na ilang sasakyan sa harap nila at sumakay ito sa isang sasakyan.

"Ang hot papi" wika ni Josefa sa gilid ko

Hindi ko ito pinansin at tumingin na lang sa papalubog nang araw.

Nag tagal pa kami ng ilang minuto ni Josefa bago kami nag pasya ng umalis at umuwi na.

May sa ilang oras din ang biyahe namin bago kami nakarating sa bahay na syang tinutuluyan namin kasama ni Jeya.

"Oh kamusta ang pag apply nyong dalawa?" Wika ni Jeya habang nag lalagay ng ilang kolorete sa kaniyang mukha

"Nag pasa lang kami ng resume" wika ni Josefa

"May tira pang lasagna dyan kumain na kayo" wika ni Rikki habang prenteng nakaupo sa sofa at katulad ni Jeya ay nag lalagay din ng iba't-ibang palamuti sa kanyang katawan at ilang kolorete sa kanyang mukha

"Pasok na muna ako sa kuwarto" wika ko bago iniwan silang tatlo

Masyado naging mahaba ang araw ko ngayon. Nakakapagod din.

Di na ako nag abalang buksan ang ilaw at ibinagsak na lang ang aking katawan sa kama.

Di ko na alam ang gagawin ko.

Ipinikit ko ang mata ko bago ako makatulog.

__________________________________

Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog basta na lamang ako nagising na maramdaman ko ang pag tapik.

Idinilat ko ang mata ko "Bakit?" Tanong ko

"Tumawag si tita" wika ni Josefa habang nakaupo sa gilid ko

"Sinagot mo?" Tanong ko pa rin

"Hindi" sagot ni Josefa "ang alam nya nasa ibang bansa tayo, paano ko sasagutin ang tawag nya, edi nag tanong sya, ayaw ko naman mag sinungaling kay tita at malamang kasama nito ang magulang ko, kaya imbis na mag sinungaling di na lang ako sumagot"

Umupo ako mula sa aking pag kakahiga at tinignan sa mata si Josefa.

"Bukod sa pag tawag ni nanay sayo ano pa ang gusto mo sabihin?" Wika ko

"H-huh? Ako m-may gustong sabihin? Ano naman ang sasabihin ko sayo?" Umiiwas ito ng tingin kaya pinasingkitan ko sya ng mata "Aish, oo na nga" huminga ito ng malalim "Susubukan daw ako ipasok ni Jeya sa bar"

"Huh?" Gulat kong tanong "Josefa..."

"Hindi yan katulad ng iniisip mo a, papasok ako dun bilang taga hugas ng plato o isang singer o kahit anong trabaho ang pupwede, basta marangal" hinawakan ni Josefa ang kamay ko "Hindi na ako aasa na may magandang mangyari kung papasok man ako dun, kailangan ko ng pera girl, gusto ko yumaman, kailangan ko umangat, hindi na ako aasa sa suwerte na darating"

Napaiwas ako ng tingin kay Josefa. Katulad ni Josefa ay gusto ko din umangat, gusto ko iangat ang pamilya ko, gusto ko mabigay ang pangangailangan ng pamilya ko.

"Matino naman ang gagawin natin diba?" Tanong ko

"Ang sabi ni Jeya, nasa atin ang desisyon"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kung pipiliin natin ang trabaho na malaki ang kita pero nagagamit tayo? o ang trabahong maliit ang kita pero marangal, nasa atin nag desisyon kung anong landas ang ating tatahakin"

Huminga ako ng malalim at nag dadalawang isip.

"Hindi na kita pipilitin Aey, ako sigurado na ako, kaya naman siguro mag ipon kahit maliit lang ang sahod diba? Sa ngayon... Sa ngayon di ko muna papasukin ang trabaho na malaki ang kita, kung hindi talaga kaya, bahala na"

"Psh... Oo na umalis ka muna dyan at matutulog muna ulit ako" wika ko bago humiga at tinakpan ang aking mukha gamit ang unan

"Sa sala lang ako a, May almusal na din kausapin na lang daw natin si Jeya mamaya kung buo na ang ating desisyon"

Ilang segundo pa ay narinig ko ang ilang yapak palabas ng kuwarto at pag bukas sara ng pinto.

To be continued

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon