"Isandal mo sana ang ulo mo sa unan, katawan mo ay aking kukumutan,
Mga problema iyong malilimutan,
Habang tayo ay nag kayakap sa dilim" sabay sa kanta ni Nox
Tanghali na at nasa bukid pa rin kami, habang nag papahinga naman sa ilalim ng puno na malaki. Tanghali pero di ganun kainit dahil medyo mapuno at mahangin.
Kakatapos lang namin kumain ng tanghalian na pinag saluhan namin kainin, habang nakikinig sa radyo at sinasabayan ang bawat kanta.
Pumikit ako at sinandal ang aking ulo sa balikat ni Nox.
Hanggang ngayon pinag iisipan ko pa rin ang sinabi ni Josefa. Nag dadalawang isip ako kung mag iibang bansa ba ako o hindi. Ayaw ko na din kasi ng ganito buhay.
"Ano nanaman ang sinabi sayo ni Josefa?" Rinig kong wika ni Nox "Simula ng dumating ka dito, parang wala kang gana"
Inangat ko ang ulo ko at tinignan si Nox "Kung ikaw ang papipiliin, pipiliin mo ba na pumunta sa ibang lugar kung saan alam mo mag bibigay sayo ng magandang buhay o sa lugar kung saan hindi maganda ang buhay mo, pero kasama mo nag pamilya mo"
"Bakit inaya ka din ba nya na mag ibang bansa?" Napa uwang ang bibig ko "Inaya nya din ako kagabi, sa totoo lang, hindi mo kailangan pumunta ng malayong lugar para kumita, nasa paligid mo lang ang sulosyon sa bawat problema, sabi nila walang buhay sa Pinas, pero para sa akin meron naman kahit papaano" tinuro ni Nox ang paligid "Yang mga yan, hindi ko kayang iwan yan, pwede tayong umangat dito pa lang" tinignan nya ako "Tutulungan kita sa bawat lakbay Aey, wag ka lang umalis"
"Tch"
"Bakit?"
"Wala lang, na appreciate ko yung sinabi mo na tutulungan ako, pero iba pa rin ang May sarili akong pera"
"Pwede tayo mag negosyo"
"Ano naman i-nenegosyo mo dito, pare-parehas tayo ng buhay"
"Kung sabagay" huminga sya ng malalim "Yung sinabi ni Josefa, sa totoo lang, iba ang kutob ko na hindi totoo iyon, oo gusto ko din subukan, pero hindi ko maiwan si nanay, alam mo namang kami na lang ang meron sya, kung buti Maynila lang pupuntahan at kung baka sakali ng May mangyari ay makakauwi agad ako dito, siempre gusto ko din umalis sa buhay na meron ako, pero kailangan ko isama ang nanay ko"
"Bakit kasi tayo pinanganak na mahirap"
"Edi wag tayong manatiling mahirap" sagot ni Nox "Kung pinanganak tayong mahirap, wag tayo manatiling mahirap. Pangako, Aey, tutulungan kita hanggang maabot mo ang pangarap mo"
"Edi mag tulungan tayo" Ngumiti ako at tinignan ang malawak na bukid "Nakikita mo yan" turo ko sa malayo "Darating ang araw na hindi na natin kailangan mag saka sa ibang sakahan, mag kakaroon din ako ng sariling kong lupa"
Ngumiti ako. Siguro hindi ito ang tamang panahon para sa akin, pag susumikapan ko ang lahat para maabot ang lahat ng pangarap ko sa pamilya ko.
Nasa kalagitnaan kami ng pag kwekwentuhan ng humahangos ng takbo papalapit si Josefa patungo sa amin.
"Aey, si U-uncle, s-si papa mo" napatayo ako "N-nabaril" nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo kung nasaan naroroon ang magulang ko.
Malayo pa lang ako ay nakikita ko na ang tumpukan ng tao. Nang makalapit ako ay naririnig ko ang malakas na iyak ng nanay ko.
Nakisiksik ako hanggang makapunta ako sa harap at doon nakita ko ang duguang tatay ko habang yakap yakap ng nanay ko.
"Tay" naluluha kong wika "Tatay" naiiyak kong wika
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, biglang bumagal ang paligid, wala na ako marinig at malabo na ang paningin ko dahil sa luhang tumutulo mula sa aking mga mata, hindi ko alam ang gagawin ko, nablanko ako.
Napaluhod na lang ako habang umiiyak.
____________________________________
May dalawang Linggo na ng mailibing namin ang tatay ko. Naisugod pa namin sya sa ospital pero huli na ang lahat, hindi din namin alam kung sino at sa anong dahilan kung bakit nangyari iyon sa tatay ko.
Sabi nila isang tulak ng droga ang tatay ko kung kaya sya ay nabaril. Pero kilala ko ang tatay ko, kahit mahirap kami hindi kami gagawa ng bagay na masama.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang kabuuan ng aming bahay, ang dating maingay at puno ng tawanan na bahay namin ay naging tahimik.
Alas diyes na ng gabi kung kaya ay madilim na at katulad ng dati na nag bibigay liwanag lang ay ang gasera.
Napatingin ako sa kuwarto ng aming magulang. Simula ng mangyari iyon kay tatay ay halos hindi na lumabas ng silid nila ang nanay namin.
Dinadalhan ko naman ito ng pagkain pero hindi nya ito kinakain, ang tanging nababawas lang ay ang tubig nya.
Halos doblehin ko din ang katawan ko para mag lako ng pagkain at pag saka para kumita.
Sa ngayon ako muna ang bahala.
Pero ang hirap pala ng ganito.
"Nay" wika ko habang dala ang baso ng tubig at ang kanyang gamot "Papasok na po ako" wika ko at tumuloy na pumasok sa silid.
Nilapag ko ang baso at inayos ang gamot na kanyang iinumin.
Tinignan ko ang pagkain na dala ko kanina na hanggang ngayon ay wala pang bawas.
"Nay, sana hindi nyo po parin pabayaan ng sarili nyo" wika ko "nandito pa rin po kami, hindi ho namin kaya kung pati kayo ay mawawala sa amin"
Nilingon ako ng nanay ko at nakita ko ang unti unting pag bagsak ng kanyang mga luha "Patawad anak, kung nakikita nyo ang nanay na ganito"
"Nay, ikaw na lang po ang meron kami, kaya patatag po kayo"
"Namimiss ko lang ang papa nyo"
"Kami din nanay namimiss din namin si tatay, pero nay kayo na po ang meron kami" niyakap ko ang nanay ko "Kahit wala na po si tatay kailangan pa rin natin ituloy ang buhay natin, kung nasaan man po si tatay at kung nakikita ka po nya na nahihirapan, mahihirapan din po sya na makakatawid sa pupuntahan nya, kaya nay, kayanin nyo po, kayanin natin" naramdaman ko ang pagyakap ng nanay ko at naramdaman ang pag bagsak ng kanyang luha
____________________________________
Dalawang buwan na ng mawala si tatay. Hindi agad kami nakabalik sa dati naming buhay, pero naniniwala ako na makakayanan namin ang lahat ng pag subok.
"Kamusta naman si anti?" Tanong ni Nox
"Ayun medyo maayos na" wika ko habang inaayos ang mga palay na syang binibilad namin sa arawan kanina
"Mabuti naman kung ganun" wika nito "Ikaw kumusta na?"
Napatigil ako at natulala. Ang simple ng tanong pero parang naiiyak ako.
Sya lang kasi nag tanong sa akin kung kumusta na ba ako.
Pero kumusta na ba talaga ako?
Hindi ako masaya, hindi rin naman ako malungkot. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko.
"Aey" napatingin ako kay Nox
"Hindi ko alam kung kamusta na ako" ang tanging naisagot ko lang
Huminga ako ng malalim at tinignan ang papalubog na araw.
Isang pahina nanaman ang matatapos sa kwento ng buhay ko.
To be continued
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...
