WARNING!
Katulad ng emosyon na binibigay ko sa tuwing nag tratrabaho ako, ganun ang emosyon na binigay ko ng halikan nya ako.
Hindi matagal na halik, hindi din ganun ka bilis.
Narinig ko ang mahinang pag tawa nya "Non sei così bravo al lavoro, ma posso dire che hanno ragione, sei bello come un angel, ma so che sei pericoloso" nangunot ang noo ko sa mga salitang sinambit nya
Bumalik ito sa kung saan sya naroroon kanina.
"I don't understand" wika ko "Well you can own me this night, you already pay for me"
"You are emotionless, have you feel anything?" Wika nito, hindi ako sumagot "I'm sorry darling not this night" wika nito bago nag lakad at pumasok sa loob ng isang silid
So ano gagawin ko dito? Uuwi na ba ako?
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, pero sa di ko alam na pagkakataon, nakaramdam ako ng tuwa.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang paligid ko bago lapitan muli ang logo.
Sigurado akong nakita ko ito, hindi ko lang alam kung saan.
JOSEFA'S POV
Habang nakatingin sa ilang kalalakihan ay hindi ko maiwasan na mag alala para sa sarili ko.
Habang tumatagal ay lalo akong namumulat sa aking trabaho.
Napatingin ako sa kinaroroonan ni Aey. Nakatingin lang ito mula sa kung saan habang ang lalake sa gilid nito ay umiinom ng alak.
Halos napatuwid ako ng upo ng maramdaman ko ang kamay ng lalake sa tabi ko na gumagapang paloob sa aking dibdib.
Agad naman nya tinggal ang kanyang mapaglarong mga palad sa aking dibdib ng may inabot sa kanya ang lalakeng kausap nya. Hindi ako tanga at hindi ganun ka sara ang isip ko. Isang pulbos na puti na nakalagay sa maliit na plastik.
Isang droga.
Nakita ko na ito sa isang kustomer ko na si Martin na may ilang araw ko nang di nakikita kasama ang kustomer ni Aey.
"Do you want to try, baby?" Alok ng lalake sa gilid ko
"No thanks" nakangiti kong wika
"Just try it" pag pumilit nito "it will be fun, beside I already paid for it" tinignan ako nito
Hindi ko alam kung ano gagawin ko, alam kong hindi maganda ang kutob ko ngayon sa kustomer na ito. Mas gugustuhin ko na lamang yata na makasama si Martin kaysa sa kustomer na ito, si Martin hindi nya ako masyado pinipilit sa mga bagay bagay.
Masasabi ko na komportable na ako sa tabi ni Martin kahit alam kong na ganun sya katanda, masasabi ko na pakiramdam ko na ligtas ako pag sya ang kasama ko.
Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla na lang silang nawala na parang bula.
Sa tingin ng lalake na hindi ko mabasa. Tinggap ko ang droga na syang inaalok nya.
JEYA'S POV
Nakatingin lang ako kay Josefa habang inaalok sya ng isang pulbos. Isang droga. Hindi din nag tagal ay tinanggap ito ni Josefa.
Tumayo ako at lalapitan sana si Josefa ng May isang kamay ang pumigil sa akin.
"Kasama sa trabaho yan, iha" wika ni Ms. Rainbow "Hayaan mo sya"
Tinignan ko ng masama si Ms. Rainbow.
Alam kong madaming illegal na bagay ang nangyayari gabi-gabi sa loob ng club. Pero hindi ko matatanggap na mapapasama ang mga kaibigan ko doon.
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...