RIKKI'S POV
Nakatingin ako kay Aey habang kausap ang kanyang kustomer.
Maganda si Aey, aaminin ko na medyo naiingit na ako dito, simula nang pumasok kasi sya halos di na ganun kalaki ang kinikita ko.
Ano pa nga magagawa ko, hindi ko na panahon.
"Balik bisyo?" Napatingin ako sa gilid ko nang May mag salita "Ano ang iniisip mo?"
"Wala lang" tumingin ulit ako sa malayo "Wala ka bang kustomer" tanong ko kay Jeya
"Yung suki ko? Hindi nag pupunta, sayo ba?"
"Yung akin? Ayun, lumipat kay Aey, hindi ko na panahon e" sagot ko
"Naiingit ka ba?" Tanong ni Jeya sa gilid ko sabay pitik sa kanyang lighter
"Oo" diretsa kong sagot "May kailangan akong buhayin, May kailangan akong patunayan, isa lang ang sulosyon doon, ang magkaroon ako ng pera, para magawa ko ang lahat ng plano ko"
"Tungkol pa rin ba sa anak mo ito?"
Huminga ako ng malalim "Lahat ng ginagawa ko, para sa anak ko, kaya ako nandito, para sa anak ko"
"Pero mahirap makaalis, kahit makaipon ka na"
Tumingin ako kay Jeya "Alam ko, hinahanda ko ang lahat para sa kinabukasan ng anak ko, May plano na ako para makaalis ako dito nang sa ganun ay hindi ko na kailangan mag pa loko at man loko ng tao"
"Ano ang plano mo?"
"Sa akin na yun" wika ko bago tinapon at tinapakan ang sigarilyo ko
Iniwan ko na si Jeya kung nasaan ako kanina.
Simula sa simula pa lang, ginagawa ko ito para sa anak ko. Kinuha sya ng aking dati kong asawa dahil sya ang May maayos na trabaho sa amin noon, ayaw ko man, kailangan ko gawin, bilang isang ina, kinabukasan ng aking anak ang iniisip ko, kung kaya din napapad din ako sa ganitong trabaho kung saan madali at malaki ang kita, gusto ko din mapatunayan sa aking pamilya na may mararating ako.
May mga plano na naman din ako para makaalis sa lugar na ito, konti na lang, kailangan ko pa makaipon.
JEYA'S POV
Sinundan ko lang ng tingin si Rikki na nag lalakad palayo.
Mag uumaga na din at wala na naman ako gagawin kung kaya ay nag pasya akong umuwi na lang.
Nasa iisa kaming sitwasyon lahat, pero masasabi ko na na iba't-iba ang aming pinagdadaanan.
Kung si Josefa nandito sa sitwasyon na ito dahil sa kanyang pangarap, si Aey sa pamilya, si Rikki sa kanyang anak.
Ako nandito ako para lang hanapin ang pagmamahal na di ko nakuha mula sa aking pamilya.
Ni isang beses wala akong maalala na kinamusta ako ng magulang ko na hindi humihingi ng pera.
Tama nga sila, walang pamilya pag dating sa pera, walang magulang, walang anak, walang kapatid, pag pera na ang usapan.
Napapaaral ko ang nag iisa kong kapatid, pero ni maski sya sya, hindi ko narinig na kinamusta ako.
"Ang aga mo naman" wika ni Josefa ng makapasok ako sa loob ng aming tinutuluyan
"Ang aga mo din" sagot ko
Nag salin sya ng tubig at inabot sa akin na agad ko kinuha bago umupo sa sofa.
"Wala naman na magagawa doon, sentro ng atraksyon si Aey ngayon, maganda, May maamong muka, o May matapang na mukha kung minsan, maganda ang mukha, ang katawan maganda ang lahat ng sa kanya"

BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...