XXI

1.1K 4 1
                                    

AEY'S POV

Ewan ko kung ilang oras na ako nandito sa company kuno.

Nasa loob ako ng office ni Mr. Tob habang  may mga papel sya na binabasa.

Napatingin ako sa oras, halos pasado alas-tres na ng hapon.

Na kontak ko din sila Jeya na halos walang tigil ang tawag sa akin kanina.

Nilibot ko na lang ang paningin ko sa buong kwarto ng opisina.

Malaki ang opisina na parang kasing laki ng isang bahay.

Pero kahit malaki konti lang ang gamit.

May mahabang couch at sofa na apat na piraso, dalawang couch na magkaharap at dalawa ding sofa na mag kaharap, sa gitna nito ay May coffee table. Sa gilid naman ay isang coffee maker at ilang mga prutas.

Sa kabilang gilid ay parang isang kusina naman, paano ba sabihin ito, para syang May dalawang doorway papasok at pag pasok mo ay isang kusina na parang di kusina.

Basta...

Nag lakad ako patungo sa book shelf nag tingin ako ng ilang libro. Wala akong na gustuhin sa mga libro kung kaya ay nag lakad lakad pa ako.

Kumuha ako ng mansanas sa lalagyanan at kumagat. Mukhang malinis naman ito dahil mas makintab pa sa mukha ko kung kaya di na ako nag abalang hugasan.

Umupo ako sa sofa na kaharap nya.

"Hanggang anong oras ako dito?" Wika ko

Tumingin ito sa akin "You're so noisy"

Noisy ngayon nga lang ako nag salita. Hindi na ulit ako nito pinansin at binalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.

Bumukas ang pintuan at niluwa nito ang isang babae habang hawak ang ilang folder at papel.

"Good afternoon, Mr. Martinez" wika nito at ngumiti "These are the papers you are looking for" nilapag nito ang mga papel sa lamesa "and we need your signature here"

Kinuha ni Mr. Tob ang papel at isa-isang pinirmahan.

Napatingin sa akin ang babae na syang nginitian ko. Tinignan ako nito mula ulo hanggang Paa at tinarayan.

Aba ang sungit naman nito.

Mukha lang din naman syang nag lalakad na kangkong na sobrang kapal na make up.

Tumayo ako at lumapit sa lamesa. Doon ko lang din napansin ang buong pangalan ng lalake Eng. Dylan Tobias Martinez.

Ang ganda pala ang pangalan nya. Nang matapos nya pirmahan ang mga papel ay binigay nya ito sa babae.

"You can leave now" wika nito nang hindi tinitignan ang babae

Tumingin naman ang babae sa akin at isang pasado pa ng tingin mula ulo hanggang Paa ko sabay irap at lumabas na.

Ano problema nang baklang yun.

"Pwede na din ba ako umalis?" Wika ko

"Not yet" ani nito na hindi man lang din ako tinapunan ng tingin

Tumayo lang ako sa harap sa gilid ng lamesa at sinubukan basahin ang mga papel na nasa lamesa.

"Alam mo ba ang pangalan na Dylan ay ibig sabihin nun ay born from the ocean, ang Tobias naman ay god is good" wika ko, umupo ako sa upuan sa harap "Ang meaning sa akin, Apolline mean, gift from Apollo, which is yung tatay ko, Apollo name ng tatay ko" natatawa kong wika "While ang apricity ay warmed by the sun" tumingin ako sa kanya na patuloy pa rin sa pag babasa

Masyado siguro ako naging madaldal.

Hindi na lang ulit ako nag salita at pinanood sya sa ginagawa nya.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon