"Oh inumaga ka" salubong ko kay Rikki habang nag lalakad din patungo sa aming kwarto, ngumiti lang ako sa kanya "Mukhang maganda ang araw natin ah"
"Maganda naman talaga ang araw" wika ko at sumalampak sa upuan
Binuksan ni Rikki ang tv at umupo sa tabi ko.
"May nangyari kagabi, no?" Nakangiting wika ni Rikki
Halos bumalik tuloy ang nangyari kagabi, yung bawat haplos nya sa balat ko, yung mga labi nya na gumagala sa buong katawan ko.
"Sus" napakagat ako sa aking labi ng di ko namalayan na hawak ko na ang aking labi habang nakangiti "Oh e bakit ikaw lang mag isa ang umuwi? Ni ihatid ka, di nya ginawa, hoy babae, sa ganitong trabaho di uso ang love love na yan, imposible yan para sa atin"
Ang ngiti ko kanina ay biglang natunaw ng sabihin nya iyon.
"Masakit pero iyon ang katotohanan" pahabol nya pa
Kanina ng magising ako ay hindi ko sya nakita sa tabi ko, pag labas ko ng kwarto ay wala na sya sa buong paligid. Hindi na siguro ako aasa pa na mangyayari ang bagay na May mag mamahal sayo ng tunay pag ganito ka, pag isa kang puta.
Tss, bakit yun naman ang iniisip ko, hindi pa naman kami nag tatagal at halos araw pa lang ang lumipas simula ng mag trabaho ako sa kanya.
JOSEFA'S POV
Nasa isa akong coffee shop, nakaupo habang nag babasa ng libro. Halos dito ko na sinayang ang natitira kong oras.
"Ewan ko ba sobrang dami ngang Badjao kanina sa daan, actually araw araw silang nasa daan" kwento ng isa sa kabilang lamesa "Jusko bakit kasi hindi na lang sila manahimik sa probinsya, nag papagulo lang sila dito sa Maynila, mas madali pa nga ang buhay sa probinsya"
"Yeah true ka dyan, may person pa nga na nangunguha ng cellphone, like hello, madali lang naman makahanap ng trabaho, wala lang talaga silang tyaga para maghanap" wika naman ng isa
Ang iingay naman ng mga Marites na ito.
"Mga wala kasing pinag-aralan, mga tamad din kasi" wika naman ng isa "Paano sila aangat kung ganyan, umaasa sila sa tulong ng iba, kung ako ang isa gobyerno papabalikin ko sila kung saan sila nararapat, May probinsya din naman kami, at kung minsan nandoon kami, masasabi ko na madali kang ang buhay doon" gusto ko sumingit sa usapan nila pero May sumita na sa kanilang kaingayan
Medyo nag pantig ang tenga ko sa mga bagay na kanilang sinasabi.
Kung madali lang ang buhay ng isang tao hindi naman ito aalis sa kung saan sila nandoon. Hindi porke't madali ang naging buhay natin ay madali na din sa iba, maaring parehas tayo ng buhay pero di tayo parehas ng pinagdaanan.
May mga tao na kahit anong sumikap nila ay parang walang nangyayari, oo nasa pag susumikap at pag tyatyaga ang lahat, pero para sa amin hindi palagi sigurado ang kinabukasan, mahirap ang buhay namin at lalo pang naghihirap dahil sa mga sakim.
Noong nasa probinsya ako, halos makiani kami sa lupain ng iba, halos mas malaki pa ang kinikita ng May ari ng lupain na paupo-upo lang kaysa sa aming nag tratrabaho at nag hihirap.
Kulang ang tyaga at paghihirap. Kulang ang pawis sa bawat araw na nag tratrabaho kami.
Hindi totoo na tamad kami, kasi kung tamad kami at kung hindi namin gusto umangat ang buhay, malamang nanahimik na lang talaga kami sa kung saan kami nararapat.
Kasi sa panahon ngayon, wala nang makakatulong sa amin kung mananatili lang kami sa lugar kung nasaan kami, hindi kami makaka-usad kung hindi kami gagalaw. Pero sige kung ikaw ay isa sa mga nakaupo, pabalikin mo kami, pero bigayan mo kami ng magandang kikitain, hindi yung sakto sa isa, dalawa, tatlo o sakto sa isang linggong kita, dahil kulang iyon, ayaw naman mamatay na mahirap dahil pinanganak na kaming mahirap.
Sa panahon ngayon mas lalo humihirap ang mahirap, ang mayaman ay lalong yumayaman, kung sino pa ang mayaman sila pa ang ganid sa kayamanan. Kaya kung hindi ka mag sisipag mamatay kang dilat ang mga mata.
Inubos ko ang natitirang kape at pagkain sa harap ko bago ako tumayo at lumabas.
Maaring maganda ang araw para sa iba, pero para sa akin, isang araw nanaman ang matatapos na isa pa rin akong puta.
Habang hawak ang bag ng puno ng pulbura ay May huminto sa aking harap. Isang pulang kotse, katulad ng sabi sa akin, May hihinto sa harap ko ng pulang kotse at sa oras na bumaba ang bintana at sabihan ang isang salita ay pumasok ako.
"Dala mo ba ang pinapadala ni boss" wika ng lalake habang nag dridrive
"Pwede ko bang kalimutan yun?" Wika ko tumigil ang sasakyan sa lugar na hindi matao
Nilabas ko ang isang bagay.
"Good item yan a" kukunin nya sana ang hawak ko ng ilayo ko ito
"At ang pera?" Nilahad ko ang palad ko
"Talaga nga naman ang higpit mo" wika nya habang kinukuha ang pera sa likod "kinse mil para sa item na yan"
Binigay nya sa akin ang pera at binigay ko din sa kanya ang droga. Nakangiti itong tinignan ang droga na nasa harap nya.
Ngumiti lang ako habang pinapanood itong tinitikman ang droga.
JEYA'S POV
Lutang akong nag lalakad habang hawak ang brown envelope na results ng test na ginawa sa akin sa ospital. Di ko alam ang gagawin ko sa sarili ko, para akong lutang na ewan.
Napatigil ako sa paglalakad at napayuko at di alintana kung sino ang makakakita sa akin, bigla na lang tumulo ang luha ko.
Tangina.
Positive ako sa HIV
Sinubukan ko naman mag ingat, pero bakit ganun pa rin ang nangyari.
Hindi ko alam pero lalo ako naiyak sa sinabi nya, wala na akong pakelam kung sino ang mga taong nakakakita sa akin. Hindi alam ng lahat ang pinagdadaanan ko.
Alam kong lahat tayo May pinagdadaanan, alam kong lahat ng tao ay may problema, pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa natin pagdaanan ang lahat ng ito. Hindi pa ba sapat ang napagdaanan ko noon para maging masaya?
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, hindi ko na maayos ang sarili ko, hindi ko na alam kung paano mag pahinga sa araw-araw, hindi ko na alam kung paano pa punasan ang mga luhang tumutulo sa akin.
Kailan ba magiging sapat ang lahat ng sakit? Kailan pa ba magiging sapat ang lahat ng hirap para maging masaya?
Totoo ba ang D'yos? Kung totoo bakit hinahayaan nya tayo pagdaanan ang lahat ng hirap? Bakit hinahayaan nya tayo na masaktan? Bakit hindi na lang nya tayo hayaan na maging masaya.
Siguro kailangan ko na lang tanggapin ang lahat ng mangyayari sa akin, wala naman akong choice.
Tanggapin ko na lang na dito na lang ako, tanggapin ko na lang na di ko mabibili ang gusto ko, tanggapin ko na lang na di na ako makakabili ng gusto kong sasakyan, makapunta sa lugar na gusto ko, tanggapin ko na lang na hanggang dito na lang ako, nakasulat na ang kwento ko, nakasulat na ang mangyayari sa araw-araw, tanggapin ko na lang na dito lang ako, tanggapin ko na lang ang sakit ko, tanggapin ko na lang na isa akong punta at deserve ko ang sakit na ito.
To be continued
BINABASA MO ANG
Ang Puta (On-going)
RomanceWARNING R - 18 | MATURE CONTENT | SPG THIS STORY CONTAINS SENSITIVE SPEECH, VIOLENCE, SEXUALITY or DRUGS, ETC. THAT ARE NOT APPROPRIATE FOR MINORS!! 🔞🔞🔞🔞🔞 Sabi nila libre lang ang mangarap, sa pangarap mo pwede ka maging kung sino at pwede mo m...