Prologo

24.4K 50 0
                                    

This story contains sensitive speech, violence, sexuality or drugs that are not appropriate for minors.

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

🔞
_____________________________

"Ayos na ba ito?" tinignan ko si Jeya nang tanungin nya ako "Kung sabagay kahit naman anong ayos natin, ganun at ganun pa rin" tumingin ito sa akin "Kahit anong ayos namin ikaw at ikaw pa rin ang pinipilahan ng mga kostomer"

"Iba talaga pag sobrang ganda" Wika ni Rikki "Maganda lang kasi tayo"

"Tch" inirapan ko sila bago ako nag patuloy sa pag aayos

"Alam nyo ba kagabi, yung naitable ko grabe ang yaman, ang laki pa" kwento ni Rikki "Kaso nga lang kuripot, bigyan ba naman ako ng dalawang libo na tip, matapos ko lunukin lahat ng katas nya"

"Buti nga kahit papaano ay malaki ang nabigay sayo, ikaw na rin nag sabi na malaki, siguro naman nag enjoy ka din" wika ni Jeya

"Of course naman" tinapik ni Rikki ang balikat ko "Ikaw ba Aey? Balita ko ang laki ng kita mo kagabi"

"Nako kahit naman malaki ang kita nyan ni Aey, hindi nang lilibre" sabat ni Jeya "Painom ka naman minsan dai"

"Hayaan nyo sa susunod, mag papainom ako" wika ko bago humarap sa kanila "Kailangan ko lang mag ipon sa ngayon, kailangan ng pambayad ng kapatid ko sa eskwelahan ngayon"

"Lagi naman, kesyo kailangan ko mag ipon kasi kailangan ng tatay ko ng pambili ng gamot, kailangan ko mag ipon kasi kailangan ng nanay ko ng pera, kailangan ko mag ipon kasi may kailangan bilhin ang kapatid ko, kailangan ko mag ipon kasi may kailangan ako bayaran, kailangan ko mag ipon kasi ganito ganyan" wika ni Jeya "Ikaw ba nakakapag ipon para sa sarili mo?"

"Kaya nga, aba ikaw na rin nag sabi na hindi habang buhay ay nandito tayo sa tanginang club na ito, hindi habang buhay ay pokpok tayo, darating ang araw na katulad namin, nung wala pa kayo ni Josefa dito, kami ni Jeya ang mabenta, nung dumating kayo, lahat ng suki nasainyo na" kumento ni Rikki

"Sabagay kasi ay sariwa pa, birhen na birhen" biro ni Jeya

"E ngayon, wasak na hahahaha pero siempre dahil iba ang amoy ng bata diba hahahah" tawa ni Rikki "Hindi pala umuwi ang kaibigan mo na yun, si Josefa ano nangyari doon?"

"Baka ibabahay na" biro ko "Kasama nya ang boyfriend nya, baka nakipag tanan na"

"Anong tanan?" napatingin kami sa pinto ng may nag salita "Nako kung makikipag tanan kayo siguraduhin nyo lang na mayaman na, kahit matanda basta may pera go lang ng go, nag paalam yun sa akin na dalawang araw sya mawawala ayun kasama ang boyfriend nga nya" wika ni Madam na naging manager na namin "O'sya lumabas na kayo at ang dami ng papa. But don't forget mga anak, mag ingat wag nyo muna ako bigyan ng apo"

"Yes madam" wika naming tatlo

Pag labas namin ng kwarto kung saan kami nakatambay ay humelera na kami kasama ang iba pang mga dancer na katulad din namin.

Mula sa gilid ay tinignan ko ang mga kalalakihan at nag babakasakali na makita ulit sya doon.

Pero katulad ng mga nakaraang araw, wala sya, ni anino wala akong nakita.

Nang dumating na ang oras ay umakyat kami sa entablado at nag simula ng mag trabaho.

Sa bawat indak na ginagawa ko ay ang pag masid ko sa paligid, umaasang darating ang taong hinihintay ko, taong sumasagip sa akin mula sa iba pang tao.

Katulad ng dati kong gawain, mag aliw at maibigay ng kasiyahan ng lalaki.

Sa bawat indayog ng aking katawan, siyang hiyawan ng kalalakihan.

Ang iba ay hindi naiintindihan kung bakit ko ito ginagawa, ang tingin ng iba ay isa akong bayarang babae.

Pero ano ang magagawa ko, iyon ang totoo.

Kahit ano gawin ko, ito lang ang alam kong pwedeng pagkakitaan upang suportahan ang pamilya.

Matagal ko na din sya di nakikita, ito na rin siguro ang paraan upang siya ay kalimutan.

Kailangan na lang siguro tangapin, na hindi ibang tao ang liligtas sa iyo mula sa buhay na ito, ikaw mismo ang aalis sa buhay na meron ka ngayon.

Kailangan na lang siguro tanggapin na sa mga palabas na lang nangyayari ang bagay na kung saan-kahit ikaw ay pokpok-ay may tao pa rin na Tatangapin ka.

Sa mga palabas na lang din siguro mo makikita ang taong tunay na mag mamahal sayo.

Sa palabas mo na lang din siguro makikita na ang mahirap na tao ay giginhawa ang buhay pag nag sumikap.

Sino ba naman kasi ako, katawan lang ang puhunan ko.

Kung dati pinangarap ko na makaalis sa imperyonong buhay ko na ito, pero mukhang hindi ako makaalis ngayon, dahil kailangan ng suporta ng pamilya ko.

Baka bukas na lang mangangarap. Baka bukas hindi na ako ang puta.

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong lugar. Ang alam ko lang, ang responsibilidad na nakapatong sa balikat ko bilang isang kapatid at anak sa pamilya ko.

To be continued

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon