XV

4.2K 12 0
                                        

"30... 31... 32... 33... 34... 35" bilang ni Jeya sa pera "35 thousand grabe ang pasok ng pera sayo Aey"

"Tama, nako pwede na yan panimula ng negosyo, pero katulad nga nang unang banta, sa oras na makapasok, di kasiguraduhan ang labas" wika ni Rikki sa gilid "Pero grabe pa rin mag bigay ng tip si Mr. Yu, alam mo yung parang nag tatapon lang sya ng pera"

"What do you expect, isa lang naman sya sa milyonaryong tao di lang dito sa Pilipinas pati na din sa Asya" singit ni Josefa sa usapan

"Wag ka, Josefa, alam naming malaki din ang kinikita mo, isa pa alam naming jowa jowa mo na yung kustomer mo na Kano" wika ni Rikki habang nag lalakad at umupo sa tabi ko "Pag yan nalaman ng matanda mo, nako patay ka"

"True, alam mo naman nag rules, pag trabaho trabaho lang" -Jeya

"Kung ano man ang narinig nyo, hindi yun totoo, alam ko ang lugar ko bilang puta" -Josefa

"Aba dapat lang, magkaroon ka man ng ka relasyon sa kustomer alam mong malaki ang kailangan mong ibigay kay Rainbow" -Jeya

"Libre ang pag pasok natin, pero sa oras na aalis tayo o sasama sa kustomer, kailangan natin mag bigay ng piyansa, para tayong mga kriminal" -Rikki

"O sa iba pang salita, hindi lang parang, isa tayong produkto na kailangan bilhin ng kustomer" -Jeya

Tumayo ako "Masyado na maraming nangyari kanina, mag papahinga na ako" wika ko habang nag lalakad at ramdam pa rin nag hapdi ng aking ibaba

Tumungo ako sa aking kuwarto at naligo lang sandali at nag palit ng pang tulog.

Masyado na mababa ang aking lipad ko sa sobrang daming nangyari, sadya ito na ang kapalaran ko.

JOSEFA'S POV

Sinundan ko lang si Aey ng tingin habang nag lalakad papasok ng kuwarto. Katulad ng sabi nila Rikki at Jeya, para kaming produkto na kailangan bilhin para lang makalaya.

Hindi na naman siguro mag babago ang kapalaran namin, ganito na lang siguro kami.

Nag paalam lang ako kila Rikki at Jeya na lalabas para bumili ng ibang kailangan sa bahay.

Habang ako ay nag lalakad patungo sa terminal ng mga Jeep ay may isang tao na pamilyar sa akin, ngunit bigla na lamang ito nawala sa aking paningin ng may biglang mahabang truck na dumaan.

Nox?

Sana namalik-mata lang ako kung sya nga iyon, hindi pwede na makita nya kami kahit saang sulok ng Maynila. Pero hindi, malawak ang Maynila kaya imposible ngang mag kita kami.

Hindi na ako nag abala na hanapin pa ulit si Nox at nag lakad na lang patungo sa terminal ng Jeep at sumakay.

Malaki ang Maynila at talagang iba ang buhay dito.

Sabi nila mas madali ang buhay sa probinsya kung saan daw na magutom man kami ay may mga gulay na pwedeng kainin.

May punto naman sila doon, yun ay kung May sarili kang sakahan na ikaw mismo ang May ari, pero hindi naman kami luluwas ng Maynila kung maayos ang buhay namin sa probinsya.

Mahirap din naman ang buhay sa Maynila kung saan pag di ka nag sumikap talagang mamamalimos ka.

Pero wala naman yatang madaling buhay pag mahirap ka, kailang mo gumawa ng paraan para ikaw ay di tapakan ng iba, kailangan mo magkaroon din ng pera para maging mabango ka, para din na hindi ka magamit ng iba.

Araw araw paulit ulit na lang ang aking gawain, uuwi ng umaga gigising ng gabi, papasok at mag papaligaya ng lalake.

Nang makababa ako sa isang mall ay agad akong kumuha ng basketball para lalagyan ng aking mga ipamili.

Ang Puta (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon