Noong 1957, nabalot ng matinding takot ang dating payapang barrio ng Las Escudos matapos ang sunod-sunod na pagkawala ng mga batang may edad 8-9 taon. Matagal itong nanahimik matapos ang madugong yugto na kumitil ng maraming buhay sa bawat kalsada ng Las Escudos. Ngunit pagdating ng taong 2023, muling bumalik ang lagim sa barrio, nang sunod-sunod na naman ang pagkamatay ng mga bata-at katulad ng dati, nawawala rin ang kanilang mga laman-loob. Muling lumaganap ang takot sa barrio dahil ang dating bangungot ay unti-unting bumabalik. Sa paghahanap ng mga kasagutan, maraming katotohanan ang lalantad: Bumalik nga ba ang sumpa? O may kaluluwang hindi matahimik na humihingi ng hustisya? Walang lihim ang mananatiling nakatago magpakailanman. Sa huli, kanino ka kakampi? Kanino ka magtitiwala?