R18 Walang pangarap si Lucille para sa kanyang sarili, ang tanging gusto niya lang ay patakbuhin ang kanilang kumpanya at ang makalaya para makilala niya ang mundo na kinaila sa kanya ng mahabang panahon. Ayaw ni Vance sa mga babae na matanong at mausisa, madali siya marindi. Noong nakita niya si Lucille sa isang high end restaurant ay hindi niya na maalis sa kanyang isip ang itsura nito na napaka-amo at inosente ang bakas ng mala-manika nitong mukha. Huli na nang mapagtanto niya ang ginagawa, hindi na niya kayang pigilin ang sarili na subaybayan ang bawat kilos ng dalaga. Kaya niya kayang tiisin ang pagiging matanong ni Lucille tungkol sa bagay-bagay?