Sa taong 1894, nagbalik sa kanyang sinilangan si Don Daniel de Vera, isang makisig na binata mula sa maharlikang angkan sa Ilocos Norte. Doon ay agad na mapupukaw ang kaniyang atensyon ng gandang taglay ni Isabella Reyes, anak ng isang magsasaka sa Hacienda de Vera Sa bigat ng mga responsibilidad na agad sumandig sa mga balikat ni Daniel at sa araw-araw na pakikibaka ni Isabella sa mga kinahaharap na problema ng kaniyang pamilya, himig ng kapayapaan ang kanilang natagpuan sa isa't isa. Ang bawat dilim ng gabi ang siyang naging liwanag nila, mga nakaw na sandali upang makatakas sa problema. Ngunit, ang paglalim ng kanilang pagsasama ay siya ring paghigpit ng kapit sa kanila ng reyalidad. Mayroon nga bang lugar ang tunay na pag-ibig sa mundo ng pang-aapi at hindi pagkakapantay-pantay? O patuloy na kakastiguhin ng tadhana ang lahat pagkakataon para sa isang masayang habang-buhay?