EPILOGUE

18 3 2
                                    

[Reian's POV]

"Sorry for everything, Reian. "

Patungo kami ngayon sa bahay nila. Matagal niya pa akong napatahan kanina. Naniniwala na talaga ako sa dejavu.

"Sorry din. "

"How are you? "

"Fine. I have a stable job na at bakasyon namin ngayon kaya naisipan kong bumisita dito. Ikaw? "

"Licensed Engineer na at natutulungan ko na si mama. "

Natupad niya na pala ang matagal niya nang pinapangarap.

"Ah... D-Do you have a g-girlfriend? "

Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago nagpatuloy sa paglalakad.

"No"

Napatango-tango na lang ako.

"Ikaw? "

"Meron. "

Napatigil siya at hinarap ako.

"Talaga?  Pakilala mo nga sakin at nang makilatis ko. "

"Hahaha! Medyo busy eh. Sobrang hectic ng schedule. "

"Teka? BOYFRIEND yan no? "

Nahawa na lang ako sa tawa niya.

"Oo naman. They'll always be my BOYFRIEND and my HUSBANDS"

"Ahmm... Punta tayong concert nila. Ako na bahala sa ticket. "

"Woahh!!! Talaga?! "

"Oo"

"Naks!!! Iba talaga si Mr. Engineer oh! "

Nakarating kami sa bahay nila at sinalubong ako ni Tita ng mahigpit na yakap. Sinulit din namin ang natitira kong araw sa Palawan at nakapag-usap na din kami nina Lerk, Terp, Toffer at John.

Nong dumating na ang flight ko sabay kami ni Bew dahil siya ang best man sa kasal ni Aaron at Jen.
Pero bago yun! Nagkita-kita muna kaming lahat na BESTFRIEND at grabe yung higpit ng yakap namin ni Hanje sa isa't-isa.







Araw ng kasal hindi ko maiwasang maging emosyonal dahil sino ba namang hindi iiyak kung ang lagi mong pinapangarap na magandang buhay para sa bestfriend mo ay natupad na? Daig ko pa nga ang mga magulang nila kung umiyak. Nakakahiya talaga ako kanina sa simbahan.



Nandito na kami sa reception at sumasayaw ngayon ang bride at groom sa gitna. Madami na din ang nakikisabay lalo na mga lovers.

"Can I have this dance with you, beautiful lady? "

Nasa harapan ko si Bew. Nakangiting tinanggap ko ang kamay niya at dinala niya ako sa gitna para sa sweet dance. Tiningnan ko siya ng matagal bago napabuntong-hiningang humilig sa dibdib niya.

Siguro itinakda talaga kaming dalawa para maging matalik na magkaibigan. Na kahit anong mangyari ang safest place pa rin namin ay ang isa't-isa.

Hindi naman kasi lahat ng feelings nasusuklian. Minsan we need to be contented kung ano ang mayron tayo at binigay sating tao. Minsan may taong dadating sa buhay natin na magbibigay satin ng saya at aral.

Who knows what destiny really is?

In my situation, Friendship is more better and stronger. It's better to remain this way. No expectations and no hurting.

I'm very lucky to met him. My fanboy best friend.

Naluluhang nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Saranghae, My Fan Boy Crush. "

He stiffened. Natigil na din kami sa pagsasayaw.

"R-Reian... "

Binigyan ko siya ng isang ngiti kahit na patuloy sa pagpatak ang mga luha ko.

"Saranghae, My Fan Boy Best friend. "

Napalunok ako ng makita kong may kumawalang  luha sa mga mata niya.

"I love you too, My Fangirl Best Friend. "

Siya na humigit sakin at niyakap ako ng mahigpit sabay ng paghalik niya sa noo ko.








THE END
MY FAN BOY CRUSH
12/24/2020

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon