Chapter 21: 4 years later...

13 3 0
                                    

[Reian's POV]

"HayssMakakapagbakasyon na din sa wakas! "

Kasama ko ngayon si Jen at busy kami sa kaniya-kaniya naming trabaho at sa wakas nga dumating na ang summer vacation namin. Ikakasal na pala sila ni Aaron next next month and I'm so very happy for them. Inasahan ko na talaga na hahantong sila sa kasalan eh.

Ako?  Kamusta love life ko? Siyempre may BOYFRIEND na ko! Anim pa nga eh hahahaha.

Si Youngmin, Kwangmin, Minwoo, Donghyun, Jeongmin at Hyunseong. Papakawalan ko Pa ba sila?!

Anywayssss seryoso  na... Hmm...  Hanggang ngayon NBSB pa rin ako. May mga nanliligaw din pero I can't find comfort sa kanila at sadyang di lang sila siguro para pa sakin.

"Saan ka magbabakasyon? "- Jen.

"Siguro sa Palawan. "

"Seryoso?! "

"Yup! Bibisitahin ko don si Tita. "

Nanahimik siya at mataman akong tiningnan.

"Diba nasa Palawan na siya?  What if magkita kayo don? "

Nagkibit-balikat ako sa tanong niya.

"Magkikita at magkikita naman talaga kami eh kahit na anong iwas ko. Kaya ko naman siya sigurong harapin. "

"Siguro. "

Napabuntong-hininga ako.

"4 years na naman ng lumipas. Miss ko na din si Mama niya. Nangako pa naman ako na babakasyon don. Nagchat pa nga siya kahapon. "

"Hayyy mahirap nga namang tanggihan si Tita. "

Nameet niya naman din kasi si Tita nong sinama siya ni Aaron sa Palawan para sa kasal nila.

"Ayaw mong sumama? "

"Oo. Malapit na ang kasal namin at mapapraning na naman si Aaron pag may masamang nangyari sakin. "

"Edi kayo na! Pakasal na! "

"Malapit na nga. Bridesmaid kaya kita. "

"Oo na hehe. Babush na baka hanapin ka na ni Aaron. "












Humugot muna ako ng malalim na hininga bago pumasok sa bahay ni Tita Jam. Di niya alam na bibisita ako ngayon dito sa Palawan. Nakalimang katok ako bago nabuksan ang pinto.

"Reian?! "

Niyakap ko ng mahigpit ang gulat na si Tita Jam.

"Naku! Namiss talaga kita ng sobra. Pasok ka muna. Buti naabutan mo ako. Papasok na sana ako sa restaurant eh tsaka kanina ka pa ba dumating? "

"Kakarating ko lang po at I miss you din po."

"Hanggang kailan ka ba dito? "

Napansin kong patingin-tingin siya sa relo niya.

"1 week po. Pwede niyo naman po akong iwan ngayon dito tita. Pumasok ka na po sa restaurant. Magpapahinga lang po ako ng mabilis tapos susunod po ako don. "

"Oh siya. Sigurado ka na na okay ka lang dito? Kung nagugutom ka may pagkain diyan sa ref. "

Hinalikan niya ako sa pisngi at umalis. Inayos ko ang mga gamit ko sa dating kwarto ko at nagpahinga muna ng kunti bago ko naisipan na tumungo sa restaurant.

Paglabas ng gate ramdam ko agad ang mahihinang patak ng ulan.

"Umuulan... "

Biglang akong natigilan ng may naalala.

"P-Parang nangyari na to. "

Bumalik ako sa bahay at kumuha ng payong. Habang naglalakad hindi ko maiwasang malibang sa paligid. Mas dumami ang mga tanim na bulaklak at mas gumanda ang tanawin.

Tiniklop ko ang payong ng tumila na ang ulan. Lalakad na sana ako ng may malambot akong naramdaman sa paa ko. Tumibok ng mabilis ang puso ko pagkakita ko sa puting aso. Nanginginig ang kamay na binuhat ko ito. Napaluha na ako nong dinilaan niya ako sa mukha. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Y-Yuki. Miss you so much, Yuki. "

Napatigil ako nang may tumikhin sa likuran ko.














"Miss? Excuse me. Can I have my dog? "

May tumakas na hikbi sa bibig ko pagkarinig ko ng boses na iyon. Yung boses na kahit kailan hindi mawalawala sa isip ko. Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon at nakita ko ang sobrang pagkagulat sa mukha niya.

Tumalon si Yuki mula sa pagkakahawak ako at ang pumalit don ay ang isang mahigpit na yakap.

Umiyak ng umiyak ako sa dibdib niya. Mas tumangkad pa siya.

"B-Bew... Miss na miss na kita. "

Hinawakan niya ako sa mukha at pinunasan ang mga luha ko.

"Shhh... Stop crying. Breath, Reian. "

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at lalo na ng hinalikan niya ako sa noo.

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon