Chapter 8: Adventure

16 4 0
                                    

[ Reian's POV]

Ka chat ko ngayon si Jen. Nagtatampo nga sakin eh.

Jen: Daya! Gusto kong sumama ng Palawan!

Reian: Pwede sana kung may pera lang ako dahil isasama kita kaso nilibre lang din ako ni Tita eh.

Jen: Huhuhuhu. Gusto kong makasama si Aaron 😉😂

Reian: Baliw lang! Don't worry. Sa susunod na punta ko sa Palawan, kasama na kita

Jen: Promise yan ah?! Basta huwag mo na lang kalimutan ang pasalubong ko.

Reian: Ano bang gusto mo?

Jen: Underground river 😂

Reian: Adik!

Jen: Kakain muna ako 😘. Ingat ka don. Happy 18th Birthday. I love you! Mwaapsss!!!

Reian: I love you too 😘.

Ang kulit talaga nang babaeng to.

" Reian, nandiyan na si Tita Jam mo." - Mama.

Dala ang maleta na bumaba ako. 1 month daw kami don eh. Nakabantay pala sa may hagdan si Aaron at siya na ang nagdala ng maleta ko.

" Ma alis na po ako."

Kiniss ko silang dalawa ni Papa.

" Ingat ka don ah? Bawasan mo ang pagkalakwatsera dahil baka maligaw ka don."

" Opo Pa. Babye!"

Sumakay kami sa taxi papuntang airport. Magkatabi kami sa upuan sa eroplano at dahil first time ko kinabahan talaga ako.

Nagulat ako ng hinawakan ni Aaron ang kamay ko.

" Relax lang Reian. Ipikit mo lang ang mata mo at isipin mo kunwari na nasa beach ka na."

Namula naman ang pisngi ko at napaiwas ng tingin.

" S- Sige."

Pinikit ko na lang ang mata ko. Nang maramdaman kong pataas na ang eroplano, kinalma ko ang sarili ko at humigpit ang hawak niya sa kamay ko. 'Di ko namalayang nakatulog na ako.

Nagising ako nang may tumutusok sa pisngi ko. Si Aaron pala.

" Gising na. Bababa na tayo."

Inayos ko muna ang sarili ko at di nagtagal lulan na kami ng taxi papunta sa bahay ni Tita. Hindi ko na na appreciate ang view dahil gabi na kami nakarating at may jetlag pa ako.

" Ang laki pala ng bahay niyo dito Aaron. Ilang beses ka na bang nakapunta dito?"

Kasama ko siya ngayon sa sala dahil tulog na si Tita. Mag-oopen pa siya bukas ng restaurant eh.

" Tuwing bakasyon lang ako dito umuuwi. Boring naman kasi dito sa bahay eh."

" Since na mag-isa ka lang dito sa bahay. Tumulong ka sana sa restaurant niyo?"

" Tinatamad ako. Matulog ka na nga? Mamamasyal pa tayo bukas. Goodnight at advance happy birthday."

" Salamat Aaron."

Kinabukasan...

" Wow!!! Parang gusto kong tumira dito!"

Na try na namin ang lahat na water and land activities dito sa El Nido, Palawan.

Ang hindi ko lang nakaya ay ang bungee jumping dahil parang maiiwan ang bituka ko pag minamasdan ko si Tita at Aaron.

" Ta? Magpapaampon na lang kaya ako sayo para makapunta ulit ako dito."

" Pwede naman."

" Hindi!!!"

Nagtataka na tumingin kami kay Aaron.

" Bakit Aaron?"

" A-Ah ano kasi, diba sumasakit na ang ulo mo mama sakin dahil ang kulit ko? For sure mas sasakit pa ang ulo mo pag inampon mo po ang makulit na yan."

Tiningnan ko siya nang masama.

" FYI! Mas makulit ka! Sabihin mo lang na ayaw mo kong maging kapatid?"

" Ayaw talaga!!!"

" Eh ano?"

" Secret! Bawal sa pangit!"

Aaarrghhh!!! Pasalamat siya birthday ko ngayon at ayaw kong makipag-away.

[My Zingers 😊 last update ko na muna to dahil may exam na kami for midterm this coming 11-13. Wish me luck Zingers 😭❤. God bless you always.]

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon