Chapter 15: Transfer

4 3 0
                                    

[Reian's POV]

"Hindi pa din talaga ako makapaniwala na nagkita kayo ni Bew! Gwapo ba talaga?! "

"Oo nga! Hindi ka pa ba kumbinsido sa mga pictures? "

Three weeks na ang nakalipas nong umalis kami ng Palawan. Bumawi din ako sa best friend kong to dahil sobrang nagtampo sakin.

"Gabi na pala Jen. Tara uwi na tayo. "

Nandito kami kasi sa plaza at nagkwentuhan.

"Bye bye na Reian. Ikamusta mo ko kay Aaron baby ha? "

Rinig ko pa ang tawa niya habang papasok ng bahay nila. Nagi-guilty ako kay Jen. Kasi nga diba mahal niya si Aaron? Tapos yun, a-ako naman ang gusto niya.

Hayyyy gagawa na lang ako ng paraan. Ako ang magiging tulay sa pagmamahalan nila. Pagpasok ko sa bahay nadatnan ko si Aaron at Tita.

"Magandang gabi po Tita, Aaron. "

Binati din nila ako.

"Reian, upo ka muna dito. May sasabihin si Tita mo. "-mama.

Umupo ako sa harap nila at di lang ako sure pero may lungkot akong nakikita sa mga mata ni Aaron.

"Reian, next month pasukan na sa college. Napag-usapan namin ni mama mo na doon ka pag-aralin sa Palawan kasi malapit lang doon sa bahay ko ang university at pwede ka ding tumulong sakin sa restaurant. "- tita. Napanganga ako.

"Sa P-Palawan ako magka-college? "

"Oo. Payag ka ba? "

"Ahmm okay lang ba sayo ma? "

"Oo kung yan ang paraan para makapagtapos ka ng pag-aaral at maabot mo mga pangarap mo. "

Wala na akong nagawa kaya napatango na lang ako.

"Then, next week pupunta na tayong Palawan for enrollment. "

Nagpasalamat ako kay tita bago siya umalis. Nandito kami ngayon ni Aaron sa labas ng bahay.

"Di ka pa ba uuwi? "

"Pinapauwi mo na ba ako? "

"Hindi naman. Ano kasi... Ahmm... Naiilang ako. "

"Ah, kaya pala. Sa Palawan ka na mag-aaral. Tuwing bakasyon na lang kita makikita. "

"Ha? Di ka ba sasama samin? "

"Hindi. Dito ko na lang tatapusin ang course ko. "

"Ganun ba? "

"Oo. Since na doon ka na sa Palawan, iniisip ko pa lang, mamatay na ako sa selos. Palagi na kayong magkasama ng kapatid ko. "

"Aaron naman eh... "

"Bakit ba kasi ako nahuli? Kung alam ko lang na mauunahan ako edi sana di na kita ininis pa at diniretso na agad. Sana, oo sana na lang lahat. "

Naiiyak ako habang pinapakinggan siya. Nasasaktan siya at alam kong ako ang rason.

"Oo, aaminin ko. Gusto din kita noon pero siguro di talaga tayo para sa isa't-isa. Kung niligawan mo siguro ako noon edi sana merong tayo pero everything happens for a reason, Aaron. "

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakulong sa yakap niya.

"It hurts you know? If I can't be your lover then I can be your f-friend or brother. Basta palagi kang mag-iingat sa Palawan. I love you so much, Reian. "

Hayyy ang hirap naman ng sitwasyon ko.  Ngayon kaharap ko naman si Jen na umiiyak.

"Bakit ba palagi ka na lang nang-iiwan? "

"Jen naman eh. Hindi ko naman to inaasahan. Sorry kung ngayon ko lang naisipang sabihin. Natatakot at nalulungkot ako sa maging reaksiyon mo eh. "

"Malulungkot at magagalit talaga ako Reian dahil ngayon mo lang sinabi at tatlong oras na lang aalis ka na! Sabi mo magkasama tayong mag college? "

"Sorry talaga. Hindi naman kita makakalimutan eh. Icha-chat kita palagi. Mahal na mahal kita best friend. "

Hindi ko na din napigilan ang mapaiyak.

"Lagot ka sakin pag di ka na nagparamdam! Huwag mong agawan ng trabaho ang mga ghost  !"

Niyakap niya ako kaya nakahinga din ako ng maluwag.

"Saan ka magka-college, Jen? "

"Kung saan si Aaron. "

Lakas talaga ng tama kay Aaron.

"Ingat ka doon, Reian ah? Mahal kita. "

Matapos kong magpaalam kay Jen agad na pumunta na kami ng airport. Nilapitan ko si Aaron.

"Aaron, alagaan at bantayan mo best friend ko ah? "

"Sige. Walang problema. "

"At gusto kong malaman mo na mahal ka ni Jen. "

Ngumiti lang ako sa kaniya hanggang sa tinawag na ang flight namin.

See you soon, Palawan.

See you soon, Bew.

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon