[Reian's POV]
Sa isang taon at kalahati ko dito sa Palawan masasabi kong nag-enjoy ako ng sobra. Nag-aaral ako ng mabuti sa kurso kong Mass Communication at matataas naman ang grades ko at so far wala namang failures. Sa tagal na iyon, si Bew ang palagi kong kasama at dahil don mas napamahal ako sa kaniya ng sobra at umabot sa punto na nasasaktan ako dahil sa kasweetan namin pero wala namang label. Umaasa pa din ako na may nararamdaman din siya para sakin.
Hilig ko talagang saktan ang sarili ko.
Hindi ko sinasabi ang tatlong salita na yun pero pinaparamdam ko na lang but sad to say hindi niya man lang ramdam. Kahit na ganun, kuntento na lang ako as long as magkasama at mas nakilala ko siya ng lubusan.
Hindi rin ako pumapalya sa pag chat sa bestfriend ko at balita ko inaya daw siyang mag date ni Aaron. Masaya ako dahil nababaling na ang atensiyon ni Aaron kay Jen.
Exam ko ngayon kaya maaga pa akong dumating ng paaralan. Nagpaalam naman ako kay Bew at sasama na lang daw siya sa barkada niya. Mukhang may sakit nga siya eh dahil kahapon pa siya nananamlay. Mapuntahan nga mamaya.
Okay naman ang exam at nakaya ko namang sagutin pero di ako mapakali dahil hindi ko pa nakikita si Bew. Nasanay kasi ako na dadaan siya sa room ko at kakaway sa may bintana sabay kindat.
After ng recess bigo akong mahanap si Bew. Nong nag bell na pumasok ako sa 3rd period. Papaupo pa lang ako ng biglang nag ring ang cp ko.
Bew ❤️❤️❤️ calling...
"Hello Bew? Hindi ka pumasok no? Okay ka lang ba? "
"I-I'm not okay. I don't know what to do. Ang hirap. "
Rinig ko ng paghikbi niya sa kabilang linya. Napatayo ako at dala ang bag na nagmadali akong umuwi.
Pagdating sa bahay nila agad akong nag door bell. Pinagbuksan ako ni tita na nag-aalala.
"Buti naman Reian nandito ka. Hindi ako pinagbubuksan ng pinto ni Bew. Kanina pa siya umiiyak, nag-aalala na ako. "
"Don't worry po tita may duplicate ako ng kwarto niya. Ako na pong bahala. "
Niyakap ko siya bago iniwan. Pagdating sa harap ng pinto niya agad ko itong binuksan at sinalubong ako ng kadiliman.
"Bew? "
Nang marinig ko ang hikbi niya agad na in-on ko ang ilaw. Nasa gilid siya at umiiyak na nakasubsob ang mukha niya sa tuhod niya at sobrang gulo ng kwarto niya.
"Bew? Anong problema? Why are you crying? Nandito lang ako ,handang makinig. "
Hinahagod ko ang likod niya at nagulat ako nong niyakap niya ako ng mahigpit.
"H-Hindi ko sila kayang tingnan.
"Hindi ko maintindihan, Bew. "
"Nakita ko si Daddy, nandito siya sa Pilipinas tapos kasama niya ang bago niyang asawa. Di ko naisip na di ko pala makakaya na makita siyang may kasamang iba. Nalulungkot ako para kay mama at nagagalit dahil sa pag-iwan niya samin pero di na iyon big deal sakin. Hirap mang aminin pero sobra ko siyang na miss. Kahit na ganun ang ginawa niya, ama ko pa din siya. Hindi ko alam ang gagawin ko, Reian. "
Basa na ang balikat ko sa luha niya.
"Nakita ka ba niya? "
Tumango siya.
"Anong sabi niya? "
"Niyakap niya ako and he wants to talk to me but I ran away. "
"Sana kinausap mo siya para magkalinawan kayo. "
"I'm afraid. Nanghihina ako. "
"Natural na yan ang mararamdaman mo pero baka kayo ang rason kung bakit umuwi siya dito sa Pilipinas. Grab the opportunity. Nandito lang ako para suportahan ka. "
"Thank you Reian dahil nandiyan ka palagi. Sana mapatawad mo ako sa huli. "
"Ha? Ano bang kasalanan mo sakin? "
"Wala. Teka?! Exam mo diba? Sana hindi ka na pumunta dito. Paano na ang exam mo? "
Umalis na siya sa yakap kaya nakita ko ang mugto niyang mata. Hinawakan ko siya sa pisngi at pinahid ang mga luha niya.
"Kukuha na lang ako ng special test. Gagawin ko ang lahat para sayo. "
Natigilan siya at nagkatinginan na lang kami pero napalayo kami sa isa't-isa nang pumason si Tita na sinalubong naman ni Bew ng yakap.
Hayyy... That's love.
BINABASA MO ANG
My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)
Teen FictionFan Girl : Sila yung mga klase ng tao na grabe magmahal. Loyal sa bias at higit sa lahat kaya niyang gawin para sa idol niya. Fan Boy: Sila yung mga lalaki na napagkakamalan ng mga KJ as bakla. Pero wag kayo! Ang tunay na lalaki ;) makikita...