Chapter 10: I hate you, Aaron!

8 4 1
                                    

[ Reian's POV]

" Tita ko si tita Jam dahil kapatid siya ni Mama."

"W-What a small world."

Napalingon kami nang bumukas ang pinto ng office.

" Nandito ka pala Reian? At Bew? Long time no see ah? Ngayon ka lang naman bumisita dito?"- Tita.

" Palagi kaya ako nandito Tita. Ikaw po kaya ang ngayon lang nagpakita."

Hinalikan niya sa pisngi si tita.

Naguguluhan talaga ako!!!

" Buti naman pala at magkakilala na kayong dalawa at alam ko Reian na naguguluhan ka. Pamangkin ko pala si Bew, anak ng ate ko. Minsan ko na siyang naikwento sayo diba? Yung pamangkin kong saksakan ng gwapo?"

Luhh!! Oo nga no? Bakit di ko man lang naalala?

" Nakakahiya naman ng pagpapakilala niyo sakin tita."

" Aba! For sure sobrang lapad na ng ngiti mo at pinipigilan mo lang! Loko ka talaga."- Tita.

Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Aaron.





" Kuya! Long time no see."

Nakipag-manhug si Bew kay Aaron. Napatigil ako sa pagkain.

" Y-Yeah. Buti naman at bumisita ka dito."

Nagpabalik-balik ang tingin niya samin ni tita.

" Reia---"

" Reian si Aaron pala, kapatid ni Bew. Nong pinanganak kasi ni Ate si Aaron, hindi niya pa kayang tustusan ang pangangailangan ni Aaron kaya nagtrabaho siya sa Japan. Anim na taon siya don kaya nong bumalik siya ayaw na sa kaniya ni Aaron  lumapit kaya napagdesisyunan ko na lang na ampunin siya, magkapatid silang dalawa sa ina."- Tita.

Literal na napanganga ako. Nang-uusisa na tumingin ako kay Aaron.  Puno naman ng pagtataka ang makikita sa mukha ni tita at Bew.

Tumayo ako.

" Excuse me, lalabas muna ako."

Lumapit ako sa pinto kung saan nakatayo si Aaron.

" Reian"

Hinawakan niya ako sa braso pero pumiksi ako at tiningnan siya ng masama.

" I hate you Aaron."

Mabilis na lumabas ako ng restaurant.

Hindi ko na alintana ang ulan. Buti na lang wala akong masyadong may nakakasalubong. Walang may makakahalata na umiiyak ako.

Ang sama niya! Di niya man lang sinabi na kapatid niya pala yung taong iniiyakan ko.

Papasok na sana ako sa gate nang may humila sakin sabay yakap.

" Sorry Reian kung hindi ko sinabi sayo."- Aaron.

" Bakit?! Pinagmukha mo akong katawa-tawa sa harap mo! Kilalang-kilala mo pala yung taong gusto ko pero di mo man lang pinaalam sakin."

Hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kaniya.

" Yan nga ang dahilan kaya ayaw kong ipaalam sayo!"

" Pwede bang ipaliwanag mo sakin kung bakit?"

" Aisshh!!! Di ko pinaalam sayo ang tungkol kay Bew dahil nagseselos ako! Sa dinami dami ng lalaki sa mundo na magiging kalaban ko sayo ba't ang kapatid ko pa? At gusto mo pa siya."

" Gusto kita Reian. Gustong-gusto. Matagal na."

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon