Chapter 19: His Side

6 3 1
                                    

[Reian's POV]

               Ilang araw ko nang hindi nakikita si Bew pagkatapos nong confession ko. Sobrang nahihiya talaga ako sa ginawa ko pero nagpapasalamat na lang din ako sa tulong ng alak kasi mas ako lang naman ang magtitiis at masasaktan kung di pa ako aamin.

Hinanap ko siya sa room nila pero one week na daw siyang absent. Pumunta ako sa bahay nila pero nakasara. Napaupo na lang ako sa bermuda grass dito sa school.

Nasaan na kaya siya? Sobra na akong nag-aalala. Automatic na napatayo ako pagkakita ko kina Lerk.

"Lerk! "

Agad naman silang napalingon at nakita ko pa ang gulat sa mga mukha nila. Nagtutulakan pa sila na puntahan ako.

"Hi Reian. "

Nakatungo lang sila at nagsisukuhan.

"Ahmm... M-May problema ba? May nagawa ba akong masama sa inyo? B-Bakit di niyo ako magawang tingnan? "

Sabay na nag-angat sila ng tingin ng marinig nila ang lungkot sa boses ko. Umiling-iling sila at hinawakan ako sa kamay ni Terp.

"R-Reian, may s-sasabihin kami sayo. "

"Ano yun? "

Hinila nila ako papuntang gymnasium at pumwesto kami sa may dulong part.



"Reian, sorry. Nagsisisi kami sa lahat. "- John.

"Nakokonsensiya na kami. "- Terp.

"We're very guilty. "- Lerk.

"Ha? Anong pinagsasabi niyo? I don't understand you. Bakit kayo nagso-sorry? "

"It all started with a dare. "- Toffer. Napakunot-noo ako.

"Nasa mall kami non at nasa arcade. Naglalaro kami ng basketball at napag-isipan naming magpustahan. Si Bew ang nakakuha ng pinakamaliit na puntos ibig sabihin talo siya kaya may dare kami sa kaniya. First Dare, ililibre niya kami ng pizza at second ay may kinalaman sayo. "

"Ako? "

"Since na may natira pa kaming dare, pinag-isipan muna namin iyon. One day, nakita naming magkasama kayo ni Bew at sinamantala namin ang pagkakataon iyon. Inutusan siya naming na p-paibigin ka sa kaniya. "- John.

Basta na lang nagsiunahan sa pagpatak ang mga luha ko.

"K-Kapag narinig naming nag 'I love you ' ka na ibig sabihin mission accomplished na siya at kung hindi naman sa loob ng 6 months, siya ang magbabayad ng tuition fee namin next school year. Habang tumatagal nakilala ka namin ng lubusan at parang mamamatay na kami sa sobrang guilt. Sorry talaga, Reian. "

Napailing-iling ako dahil di ko alam kung paano ko paniniwalaan ang lahat. Walang tigil na sa pagbuhos ang mga luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"I-ibig sabihin din ba m-mission accomplished na siya? N-Nag I love you na ako sa kaniya eh. Bakit niyo nagawa sakin t-to?  Ang sama sama niyo! "

Napatakip na ako sa mukha ko dahil di ko na mapigilan ng mga hikbi ko.

"Nagsisisi kami, Reian. Please f-forgive us. Di namin kaya na makita kang umiiyak. Napamahal ka na din samin. Sorry talaga. Sabihin mo kung ano ang gusto mong gawin namin, mapatawad mo lang kami. "

"Nasaan si Bew? "

May inabot na sobre sakin si Toffer.

"Pinabibigay niya. "

"Nasaan ba siya?!  Hanggang kailan kayo magsisinungaling sakin? Bakit ba ako na lang ang palaging nasasaktan? "















"Nagtransfer na siya sa Japan, Reian. "

Nahugot ko ang hininga ko dahil sa narinig. Ganun ganun na lang ba iyon? Walang paalamanan? Mapapatawad ko naman siya ah? Magpapaliwanag lang naman siya. Maiintindihan ko naman. Di naman ako yung klase ng tao na makitid ang utak. Pipilitin Kong intindihin siya kahit sobrang sakit. Wala sa sariling tumayo ako.

"M-Mauuna na ako sa inyo. "

"R-Reian? Sorry, napatawad mo na ba kami? "- Lerk.

"Masakit pa. "


Nakakapagod na ang araw na to. Masakit na yung puso ko at namamaga pa ang mata ko.

Totoo ba talaga to o panaginip lang? Gusto ko na talagang gumising eh.

Hindi na ako naaaliw. Nakakamatay na ang sakit.














[A/N: Keep safe everyone. Advance Merry Christmas ❤️.

I miss him.]

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon