[Reian's POV]
Sobrang awkward talaga pagkatapos ng nangyaring iyon. Kapag magkakasalubong kami sabay kaming namumula at nag-iiwasan. Di ko naman kasi inaasahan na mangyayari yun eh. Pero ngayon okay na kami at medyo na lang naiilang. Hindi na lang namin inuungkat ang pangyayaring yun.
"Reian birthday ni Toffer bukas at sa beach and venue. Sasama ka ba? "- Bew. Nandito kami sa rooftop ng bahay nila.
"Invited ba ako? "
"Siyempre naman! Kaya nga inaaya kita eh. "
"Sige kaso nakakahiya. Wala akong maibibigay na gift. "
"It's okay. Mayaman naman iyon eh. Greeting is enough. "
"Sige sasama na ako. "
Nag-ayos na ako ng mga dadalhin ko bukas, overnight daw eh. Pinayagan naman ako ni tita dahil si Bew naman kasama ko.
Kinabukasan...
Sinara ko ang bag ko at siya namang pagsigaw ni tita.
"Reian? Nandito na sa baba si Bew! "
Tumingin muna ako sa salamin bago bumaba ng sala at don ko nadatnan ang gwapo at hot na si Bew! Naka summer short siya at sando then naka shades. As in! Bagay na siyang maging model.
"Masyado ba akong hot para mapatulala ka ng ganiyan? "
Natauhan naman ako.
"Baliw! Feelingero ka talaga! Tara na nga baka bumuhos pa ang ulan. "
Tinawanan niya lang ang biro ko at siya na ang nagdala ng bag ko at naglagay sa likod ng sasakyan niya.
After 30 minutes dumating na kami sa beach at sobrang nakakamangha ng mga tanawin at parang gusto ko ditong tumira. Tumungo kami sa may pinakamalaking cottage at sinalubong kami ng mga kaibigan niya na may mga babaeng kasama. Gilfriend siguro nila.
"Happy Birthday, Toffer. " Nakipagbeso ako sa kaniya.
"Thanks Reian. "
Pinakilala ako nila sa nga kasama nilang babae at tama nga ang hinala ko na mga girlfriend nila ang kasama nila. Ibig sabihin kami lang dalawa ni Bew ang single. Buong araw kaming nagkuwentuhan at naligo din kami sa dagat.
Kinagabihan nag set sila ng bonfire at nakapalibot kami ngayon dito. Si Toffer naman pumunta ng cottage para kunin ang mga beer.
"Are you enjoying, Reian? "- Bew. I nodded.
"Sobra. "
"Huwag kang uminom ha? Lagot ako niyan kay mama at tita. "
Di nagtagal dumating na Si Toffer at nagsimula na silang uminom at ang sumasalo sa iinumin ko ay si Bew.
"Excuse me, tumatawag si mama. "- Bew at umalis.
"Reian? Can we ask you something?"- Shane, girlfriend ni Terp.
"Okay lang. "
"Ahmmm... Wala bang something sa inyo ni Bew? "
Napatigil ako.
"H-Ha? Wala. Friends lang talaga kami. "
"Pero halata na may gusto ka sa kaniya. "
I can feel the fast beating of my heart because of their questions. Nakaramadam ako ng uhaw at dahil sa sobrang kaba basta ko na lang hinila ang bote ng beer at tinungga. Napaubo pa ako sa sobrang pait.
"Lagot! Reian tama na yan. Naku malalagot tayo nito kay Bew. "
Hindi ko na alam kung kaninong boses yun basta ang alam ko hindi ko hinahayaan na makuha nila ang bote sa kamay ko hanggang sa may malakas na pwersa na humila nito.
"Sinong nagpainom sa kaniya?! "
Parang boses ni Bew.
"Sorry Bew hindi namin siya mapigilan eh. "
Napatakip ako sa bibig ko ng makaramdam ako ng pagsusuka.
"Hay!!! Mauna na kami sa inyo pare. "
Naramdaman ko na lang na parang lumilipad ako sa ere.
"B-Bew"
"I'm here. Stay still please? Bakit ba kasi ang kulit mo? Diba sinabi ko nang huwag kang uminom? "
"S-Sorry, kinabahan kashi ako sha tanong nila eh. "
"What was their questions? "
"T-They ashk me if may gushto daw ako shayo? Kinabahan ako kashi mali shila eh! Di naman kita gushto eh. Mali shila. "
"That's enough, Reian. Just rest. "
"Mali shila Bew! Maling-mali kashi di naman kita gushto! Mahal kaya kita! Matagal na. Bakit sha kanila ko unang shashabihin? Ikaw ba shila? Ikaw yung taong mahal ko eh. I love you, Bew. Hindi bilang ishang kaibigan kundi bilang ikaw. "
Hindi ko na alam kung ano ang mga pinagsasabi ko dahil nasa ilalim na ako ng espirito ng alak .
"F*ck!!! I'm sorry Reian. I'm sorry for being such a big jerk! "
Rinig ko pang sabi niya bago ako nawalan ng malay dahil sa kalasingan pero ramdam ko ang sakit sa bawat sorry na binitawan niya.
Ganun ba ako kahirap mahalin?
Kahit kailan ba hindi na masusuklian ang pag-ibig kong binibigay?
BINABASA MO ANG
My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)
JugendliteraturFan Girl : Sila yung mga klase ng tao na grabe magmahal. Loyal sa bias at higit sa lahat kaya niyang gawin para sa idol niya. Fan Boy: Sila yung mga lalaki na napagkakamalan ng mga KJ as bakla. Pero wag kayo! Ang tunay na lalaki ;) makikita...