Chapter 5: His Profile

10 4 1
                                    

[ Reian's POV]

        Ang bilis talaga lumipas ng panahon at graduation day ko na ngayon. Hindi na ako pinapunta ni papa sa Graduation ball namin dahil gabi na at saka delikado sa isang tulad ko na fresh graduate.

Nakahiga ako ngayon sa kama at nag-open ng Facebook. Graduation din pala ngayon ni Bew!

Nagpalit lang ako ng profile at puro about sa graduation ang laman ng news feed ko.

Hindi siya online 😥.

Nag message na lang ako sa kaniya.

Reian: Hi Zing! Congratulations pala dahil graduate ka na. You're so HANDSOME!!! Ok na bang gift yan? 😂😉

After I send it  nilibang ko na lang ang sarili ko sa pakikipag-chat kay Jen na iniingit lang ako sa mga nangyayari sa graduation ball.

Di nagtagal nag out na lang ako at nanood na lang ng Mv's ng BOYFRIEND. Di talaga nakakasawang pakinggan at di ko namalayang nakatulog na pala ako.

❤❤❤❤❤

" Reian? Sabi ni Tita Jam mo doon ka daw muna mag stay sa kanila dahil bibisitahin niya muna ang restaurant niya sa Palawan. Walang bantay yung bahay at saka si Aaron pala maiiwan din yun nga lang baka daw pagdating niya tambakan na ng alikabok ang bahay." - Mama.

" Palawan po, Mama?!"

" Oo. Diba may restaurant siya don? Kaya ayusin mo na ang mga gamit mo diyan."

Nakangusong pumasok ako ng kwarto. Mukhang pinapalayas na ako ni Mama.

Palawan? Underground river? Gusto ko din dong pumunta!

Argghh!!! Makakasama ko na naman ang salbaheng anak ni Tita. Pagti-tripan na naman ako non sigurado!

Dumating ang araw na lumipat na ako sa bahay ni Tita.

" Ikaw muna Reian ang bahala dito ah? Si Aaron kasi puro kalokohan ang alam. Sumbong mo agad sakin kung may gagawin siya sayong masama ha? Don't worry dadalhan kita ng pasalubong." - Tita Jam.

" Sige Tita, don't worry po. Ingat ka po sa biyahe."

Pag alis ni Tita agad akong naglinis ng bahay dahil anumang oras dadating yung ampon ni Tita. Nong una crush ko pa yang si Aaron kaso dahil sa panti-trip niya sakin, na turn off ako sa kaniya.

Habang nakaupo sa sofa naisipan kong mag Facebook at maka-connect na din sa Wi-Fi 😉.

Yes! May reply si Bew!

Zing: Congratulations din sayo! Maraming salamat sa gift 😂.

Napatawa naman ako. Sayang! Active 1 hour ago na siya.

Nag scroll na lang ako hanggang sa may mahagip ang mata ko.

' Bew Furihata updated his profile picture

Caption:

Save this date with my Yeoja Chingu 😘.'

Siya na naka toga at may katabi siyang babae na naka blue dress at sobrang wide ng smile nila at ang malala! Magkaholding hands sila. 😭💔

'YEOJA CHINGU!'

Alam ko meaning nito eh! Naramdaman ko ang pagpatak ng mga luha ko. Girlfriend kasi ang meaning eh.

Inis na binagsak ko ang cp ko sa mesa at napasubsob na lang sa kamay ko at umiyak.

Ang sakit!!!

" Bakit ka umiiyak, Reian?"

" Wala ako sa mood makipagtalo, Aaron!"

Iniwan ko siya at pumasok ako sa kwarto.

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon