[Reian's POV]
Magkahawak ang kamay na nilibot namin ang campus nila. Parang gusto ko na lang na maglaho bigla dahil sa nanliliit ako sa mga titig nila. Sobrang sikat ng kasama ko at di ako ang bagay na kasama niya.
"Are you okay?"
"Oo, medyo nahihiya lang. Sikat mo naman kasi masyado eh. Nagmumukha na tuloy akong alalay mo. "
"Mas maganda ka pa nga sa kanila eh. "
Pabirong kinurot ko na nga lang sa bewang. Pa fall talaga.
"Bew! Pare! "
Napalingon kami sa apat na lalaki na papalapit samin.
"Mga pare! Kamusta ang chix hunting? "
Nagfist bump sila. Hindi naman magkalayo ang kaguwapuhan nila pero mas lamang si Bew.
"Pakilala mo naman samin ang magandang dilag na kasama mo. "
Yung pinakamatangkad sa kanila ng nagsalita.
"Ahem! Mga pare, meet Reian, a special friend of mine. Reian, meet Lerk, Terp, Toffer at Jhon, mga kaibigan ko. "
"H-Hello. It's nice to meet you all. "
"Nice to meet you too, Reian. "
They said and bowed in unison .
Ang sasaya nilang kasama at ang kukulit din. Magkaibigan nga talaga. Nagkahiwalay lang kami nong nagpaalam ang apat na magpe-prepare sila para sa basketball tournament nila. Kami na lang ulit ang magkasama.
"Di ka ba kasali sa varsity niyo? "
Nandito kami ngayon sa isang food Booth at kumakain.
"Ha? Hindi no. Di nga ako marunong magbasketball pero sa puso ng mga babae naka 3 points ako! "
"Ang corny! Promise sobrang waley! "
Yan na lang sinabi ko kasi baka masabi ko pa ang 'Kahit sa puso ko naka 3, points ka na'
Ang corny ko din ba? Haha.
Napatawa na lang siya at kinurot ako sa ilong. Pagkatapos naming kumain gumala kami sa different booths. Habang naglalakad bigla kaming hinarangan ng mga babae at binabae.
"Hi baby Bew! Papicture naman kami! "
Pinagtulungan na nilang hilain si Bew.
"W-Wait! May kasama ako. "
Nilingon ako ni Bew pero di na siya nakapalag nong pinasok na siya sa photo Booth. Naiwan akong mag-isa. Napabuntong-hininga ako at napaupo na lang sa labas at naghintay.
"Hi Reian. "
Nag-angat ako ng tingin kay Terp. Tumabi siya sakin.
"Hello"
"Why are you alone? Nasaan si Bew? "
"Ahhh nasa loob eh. Hinila ng mga fans niya. "
"Mga Bewnatics siguro iyon. Dapat masanay ka na sa kaniya. Matinik talaga sa mga babae at binabae. "
"Alam ko hehe"
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Bew?"
Kinuwento ko na lang sa kaniya kung paano kami nagkakilala except siyempre sa katotohanang gusto ko ang kaibigan niya.
"What a coincidence! Btw, I'll go ahead. Nice to meet you again. "
Naiwan ulit akong mag-isa. Ang tagal naman nila! Mga 20 minutes na ata sila sa loob.
Di nagtagal lumabas na ang mga Bewnatics daw at lahat sila ay isa-isa akong inirapan. Aisshh!!! Bunutin ko yang mga mata nila eh. Inis na tumayo ako at umalis don sa photo Booth na yun. Hinili lang siya ng mga Bewnatics niya parang ayaw niya nang lumabas don. Halata talaga pag hindi ka importante sa isang tao dahil hindi ka na niya maaalala. Hindi niya man lang naisip na may taong naghihintay sa kaniya.
"Reian! S-Sandali. "
Hinarangan niya ako at naghabol siya ng hininga. Tiningnan ko lang siya.
"Sorry kung iniwan kita. Di kasi ako makaalis don eh. Sorry talaga, nag promise pa naman ako na hindi kita iiwan. "
"Okay lang. Hindi naman ako galit eh. Umalis lang naman ako kasi n-nagutom ako. "
Lies...
"Sorry. Tara, bumili tayo ng pagkain. "
"Mamaya na lang pala. Pasyal muna ulit tayo. "
Ngumiti siya tapos inakbayan ako.
"Tara, tayo namang dalawa ang papasok sa photo booth. "
Wala na akong nagawa nong hinila niya na ako papasok. Nakadami din kami ng pictures with different pose. Sobrang kulit niya kaya nahahawa ako.
Ganito din ba siya kakulit sa mga fans niya?
BINABASA MO ANG
My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)
Teen FictionFan Girl : Sila yung mga klase ng tao na grabe magmahal. Loyal sa bias at higit sa lahat kaya niyang gawin para sa idol niya. Fan Boy: Sila yung mga lalaki na napagkakamalan ng mga KJ as bakla. Pero wag kayo! Ang tunay na lalaki ;) makikita...