Chapter 11: Doctors

7 4 2
                                    

[ Reian's POV]

" Reian? Kakain na ng breakfast. Gising na."

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa kwarto ko.

Hirap na pilit kong minulat ang mata ko at medyo mabigat ang pakiramdam ko. Mainit din ang hininga ko.

Bumukas ang pinto at naramdaman kong may humipo sa noo ko.

" Ang taas ng lagnat mo, Reian!" - Aaron.

" Kukuha lang ako ng gamot."

Mabilis na lumabas siya ng kwarto.

Yakap yakap ang unan at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang nilalamig na naiinitan ako.

" Reian?"

Yung feeling na kahit masama ang pakiramdam ko pero marinig ko pa lang ang boses ng taong mahal ko eh bumibilis agad ang tibok ng puso ko at medyo nawala ng kunti ang bigat ng nararamdaman ko.

" B-Bew."

"May dala akong gamot dito, inom ka muna."

Inalalayan niya akong umupo. Agad na pinainom niya sakin ang gamot.

" Thanks."

" Okay lang. Nabalitaan ko kasi kay tita na nilalagnat ka kaya habang nasa daan binilhan na lang kita ng gamot."

Di ko napigilan ang mapangiti. Kung ganito ba naman kagwapo ang doctor ko.

" Ahmm... About yesterday, nagets ko na ang lahat. Hindi ko din inaasahan na best friend mo pala ang kuya ko. What a small world right? Pero sana huwag ka nang magtampo kay kuya."

Hindi niya kasi naiintidihan kung bakit galit ako kay Aaron.

" Nagulat lang talaga ako sa mga nangyari. Don't worry hindi na ako galit kay Aaron. Yeah, small world nga kasi di ko akalain na ganito lang pala kita kadali makikita."

" Yeah, matagal na akong curious sa mukha mo at kung ano ba talaga ang totoong ugali mo at kung makulit ka din ba sa personal katulad sa chat natin."

" So ano natagpuan mo?"

" Mas cute ka pala sa personal at di ko akalain na makikilala mo parin ako kahit sa personal."

" Ikaw lang naman lagi iniisip ko eh." Mahinang bulong ko.

" Ha?"

Napatakip naman ako sa bibig ko at umiling iling. Napa aray ako ng sumakit ang ulo ko.

" Yan kasi ang kulit!"

Saway niya sakin at mahinang minasahe ang sentido ko.

Napatingin kami sa pinto ng may tumikhim. Nandoon si Aaron at may hawak na palanggana at towel. Napaiwas ako ng tingin ng mapansin ko ang lungkot sa mata niya.

" Sa baba lang muna ako Reian. Pagaling ka ha?"

Ginulo niya muna ang buhok ko bago lumapit kay Aaron. May sinabi siya dito na ikinatango ng isa.

Lumapit sakin si Aaron at nakaramdam ako ng awkwardness.

" Okay lang ba kung punasan kita?"

Tumango lang ako.

Habang pinupunasan niya ang braso ko di ko maiwasang isipin kung totoo ba ang sinabi niya kahapon.

" Yung/Ang"

Sabay na sabi naman at sabay din kaming napaiwas ng tingin.

" Ikaw na muna."

Sabi niya at pinahiga ako at nilagyan ng bimpo sa noo.

" Y-Yung sinabi mo kahapon. T-Totoo ba yun?"

" Yung kung gusto kita? Oo totoo iyon. Matagal na kitang gusto."

Napakagat labi na lang ako. Tanong pa kasi eh! Speechless tuloy ako.

" Ano kasi----"

" Oo alam kong si Bew ang mahal mo. Pero huwag mo sana akong iwasan at tandaan mo na nandito lang ako kung kailangan mo ng karamay, kahit na masaktan ako ng paulit-ulit."

Siya at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay.

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon