[Reian's POV]
"Reian!!! Nililigawan na ako ni Aaron! "
Napatakip ako sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Jen.
"What?! Talaga?! Wahhh!! Good to hear that! Finally! "
Parang baliw na nagtatalon-talon ako dito at pinagtitinginan na nga ako ng mga tao.
"Oo! Besyyy dream come true! "
Masaya ako para kay Jen lalo na kay Aaron. Salamat naman at may improvement na sila. Ako kaya?
"Oy? Bakit ka tulala? "
Di ko man lang namalayan na nasa harap ko na si Bew.
"Ha? Wala. May iniisip lang. "
"Sino? Boyfriend mo? "
Nang-asar pa to.
"Duh! Wala ko niyan. "
"Dapat lang! Dadaan siya muna sakin."
"Hmmp!!! Padaanin mo sarili mo sayo. " I whispered.
"What? Bakit ba ang hilig mong bumulong?"
"Pag sinabi ko ba ng malakas maririnig mo?"
"Alangan naman. So ano?"
"Wala nga. Baka ma speechless ka pa. Uwi na nga tayo. "
"Sige na nga. By the way I have something to tell you. "
Inakbayan niya ako habang papunta kami ng parking lot.
"Ano naman? Good news or bad news? "
"Ahmm... Ewan ko kung ano ang dating nito sayo. " He said with a serious voice.
Inalalayan niya akong pumasok sa sasakyan at naging tahimik kami sa loob.
"Nagkausap na kami ni Daddy. "
"Talaga?! So anong sabi?"
"Humingi siya ng tawad sakin at kay Mama. Mahal na mahal niya daw ako at kahit kailan di niya daw ako nakalimutan. "
"Yun naman pala eh. Good news yan. "
"Oo at humingi siya ng favor sakin. " He remained silent before looking at me.
"Gusto niya daw akong makasama kahit isang taon. "
I held my breath at feel ko nanginig yung kalamnan ko.
"S-So aalis ka? P-Pupunta kang Japan? "
"Oo, gusto ko. "
"Eh paano si Tita? "
"Maiintindihan din ako ni Mama, Reian. I will tell her everything. "
"B-Bakasyon ngayon natin. Ibig sabihin ilang months na lang doon ka na magpapatuloy ng pag-aaral ?" I'm trying myself not to cry infront of him.
"Yes pero matagal pa naman yun. "
"Mabuti naman. Makakasama pa kita ng matagal. Huwag na huwag mo kong kakalimutan pag nakapunta ka na ng Japan ah? "
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
"Baliw to oh. Sshhh stop crying, Reian. " He hugged me tight.
"Ikaw kasi eh! Mang-iiwan ka ng hindi ko pa nasabi ang lahat-lahat sayo. "
Hinayaan niya lang akong umiyak sa dibdib niya.
"Tungkol sa? "
"Na ma-------"
😳😳😳😳😳
Napatigil ako sa pagsalita kasi tamang-tama na pag-angat ko ng tingin nagkasalubong yung mga labi namin.
Magkalapat pa rin hanggang ngayon ang labi namin at parang lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok. Nakatingin lang kami sa isa't-isa.
Mamamatay na ako sa sobrang pula at parang sasabog na yung pisngi ko at dibdib.
[A/N:
Hello my Zingers 😘 Short update for tonight . Hope you'll like it. Keep safe always. Love you all. Mwah!]
BINABASA MO ANG
My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)
Teen FictionFan Girl : Sila yung mga klase ng tao na grabe magmahal. Loyal sa bias at higit sa lahat kaya niyang gawin para sa idol niya. Fan Boy: Sila yung mga lalaki na napagkakamalan ng mga KJ as bakla. Pero wag kayo! Ang tunay na lalaki ;) makikita...