Chapter 9: Rainy Day

6 4 1
                                    

[ Reian's POV]

     Ika-dalawang linggo ko na ngayon dito sa Palawan at hindi talaga ako nagsasawa kakalibot. The best talaga ang lugar na to. Halos full storage na ako sa dami ng pictures ko.

Ako lang ngayon mag-isa dito sa bahay dahil nasa restaurant si Tita at nakipagkita naman si Aaron sa mga kaibigan niya dito.

Hmm.. mamasyal na lang kaya ako at dumiretso sa restaurant ni Tita?

Nag-ayos muna ako ng sarili at lumabas ng bahay.

" Aisshh!!! Malas naman! "

Bigla kasing pumatak ang ulan. Bumalik ako sa loob at kumuha ng payong.

Habang nasa daan namamangha ako sa pagtingin sa mga bulaklak na parang kumikinang dahil sa ulan. Hindi na malakas ang ulan at medyo humina na.

* Aww!-Aww!*

Napatigil ako at napatingin sa paanan ko.  May nakita akong aso na kulay puti.

" Wow! Ang cute mo naman? Ba't nagpagala-gala ka? Baka may masamang tao na kukuha sayo."

Binuhat ko ang aso at dinilaan ako nito sa mukha na ikinatawa ko.

" Yuki! Yuki! Where are you?!"

Luh? Sino iyon? Ang cute naman ng boses. Tumahol yung asong hawak ko.

" Yuki!"

Natigilan ako nang may lalaking sumulpot sa harapan ko. Tulala na napatingin ako sa lalaki. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Yung parang nahihirapan akong huminga.

Ang puti niya at messy style yung hair niya.

Nag-angat siya ng tingin. Doon na nanlaki ang mata ko.

" Aisshh!!! When will this rain stop? Can I share in your umbrella?"

Nakisukob siya sa payong ko kahit na di pa ako pumayag. Nasa kamay ko parin yung aso.

" Thank God! You found my naughty dog. Thank you Miss."

Tulalang inabot ko sa kaniya ang aso.

" I-Ikaw ba si...si... Bew Furihata?"

Napatigil siya sa paghaplos sa aso niya at napatingin sakin.

That mole!!! Those 2 pair of cute brown eyes, pointed nose and perfect shape lips.

" How did you --- ahmm I mean paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Ohmigasshhh!!! Is this for real?! Siya ba talaga to? Mas gwapo siya sa personal!!! I can't believe it!

" Hindi mo ba ako nakikilala Oppa? Mr. Zing?"

Parang napaisip siya.

" Oh?! Reian? Ikaw si Reian Davichi?"

Napalawak naman ang ngiti ko. Naalala niya name ko. Hihihihi.

" Opo! Hi, it's nice to meet you, sa wakas."

" Yeah, at last, it's nice to meet you too."

Di ko na napansin na lumakas ang ulan.

" Saan ka pala patungo?"

" Sa restaurant ni Tita. Ikaw?"

Nagsimula na kaming maglakad. Magkasalo kami sa isang payong habang nasa ilalim ng ulan. Ang romantic diba?

Yung taong gusto ko nasa tabi ko na.

" Kaya pala umuulan." Open topic ko.

" Ha? Bakit?"

" Nandito ka eh! Haha"

Napatawa din siya.

" Nambabara ka naman."

" Pero wala akong masabi kung bakit medyo mahangin ka Bew . May ibubuga ka naman pala eh."

" Oyy!!! So naniniwala ka na ngayon? Na pogi ako?"

" Oo na at naniniwala na ako na saksakan ka ng kulit at kalokohan."

Napatawa na lang siya.

Pumasok agad kami sa restaurant ni Tita. Madaming customer.

" Wait? Dito ka rin ba papunta?"

" Actually yes pero medyo natagalan dahil tumakbo palayo tong si Yuki nong nakakita ng butterfly at yun nakita ko siya sayo."

" Buti na lang pala ako ang nakakita. Kung iba yun baka nanakaw na siya."

Nagtaka siya nong patungo ako sa office nu tita.

" Bakit ka pupunta sa office ni Tita?"

Ano daw?????

" Tita? Ang alam ko Tita ko din ang may-ari nito?"

What's the meaning of this ???

My Fanboy Crush (COMPLETE ✅)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon