Kabanata 20

12K 343 92
                                    

Masaya ako ngayon dahil nagkaayos na rin kami ni Ash at naamin ko na ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Hindi ko lang narealized noon na mahal ko na pala siya dahil ang akala ko ay si Kale pa rin ang gusto ko.

Pilit ko nalang na kinakalimutan ang nangyari sa amin ni Kale dahil mali iyon. That was my first time and I did that with him. I don't want to hurt Ash kaya hangga't kaya kong itago ang nangyari sa amin ni Kale ay gagawin ko iyon.

I'd already said to Kuya Andrei na huwag nang ipakulong si Kuya Argel and that is my final decision. Hindi siya sang-ayon sa naging desisyon ko pero wala rin silang nagawa nina Mom at Dad doon. Sinabi nalang niyang hindi na niya hayayaan pang makalapit sa akin ang ex-best friend niya.

I'm hoping that Kuya Argel will change someday sa pangalawang pagkakataong ibinigay ko sa kanya.

Inamin ko na rin kay Ash na nililigawan ako ni Kale. Nagulat siya nang malaman iyon pero sinabi kong masyado lang akong nalito sa nararamdaman ko kay Kale at sa kanya kaya nakapagdesisyon ako ng isang bagay na hindi ko gaanong napag-isipan.

He understands me at my reason at sinabi niyang he can contront Kale for me but I declined it. Gusto kong makausap si Kale pero hindi pa muna sa ngayon dahil naiilang na akong makita at makausap ulit siya after what happened between us.

I said to Ash na huwag muna kaming magsabay pumasok sa school dahil alam kong susunduin ako ni Kale any time sa bahay namin. After na madischarged si Ash sa ospital ay gusto na niya kaagad pumasok sa school kinabukasan dahil maayos na raw ang kalagayan niya. Sinabi ko na mauuna na akong pumasok sa school para hindi ako maabutan ni Kale sa bahay namin and he said na susunod nalang siya sa akin.

Pagkarating ko sa Southern Academy ay wala pa masyadong katao-tao. May isang oras pa bago mag-umpisa ang klase namin kaya masyado talaga akong maaga.

Habang naglalakad ako papunta sa Cafeteria para kumain sana ng breakfast ay biglang may humablot sa braso ko at laking gulat ko nalang kung sino ang gumawa nun.

"K-Kale?" Gulat kong tanong sa kanya.

Tinignan niya ako habang walang ekspresyon ang kaniyang mukha.

Bigla ay nagsimula nang lumukob ang takot at kaba sa sistema ko.

"I went to your house to pick you up pero para ka yatang nagmamadaling umalis. I assumed already that you were going to avoid me kaya maaga akong pumunta sa bahay niyo." He said.

Hindi ako nakapagsalita kaagad sa sinabi niya. Nakita niya akong umalis ng bahay at sinundan niya ako?

Unti-unting lumapit si Kale sa akin habang ako naman ay umatras ng umatras hanggang sa napasandal na ako sa pader.

"Why are you avoiding me?" Mahina niyang tanong at tinignan niya ako ng seryoso.

I sighed. Maybe this is the right time para kausapin ko na siya. The thing happened between us is just a big mistake.

"Kale, I'm sorry. Napagtanto ko lang na si Ash talaga ang mahal ko. We're now okay at 'yung nangyari sa atin ay isa lang na malaking pagkakamali 'yon. I thought that I love you but I'm wrong. I'm very sorry." Sabi ko at napayuko nalang.

Natigilan si Kale sa sinabi ko pero 'di kalaunan ay tumawa siya ng mahina at nakita kong kumuyom ang mga kamao niya.

"Pinaglololoko mo ba ako, Bliss?"

Humarap naman ako sa kanya at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"S-Sorry, Kale. Kung magpapatuloy pa tayo ay hindi rin tayo magiging masaya-"

Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinawakan nang mahigpit ang panga ko habang nakatitig pa rin siya ng masama sa akin at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak na ng mahigpit sa braso ko.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon