Kabanata 5

16.3K 554 62
                                    

Ngayon ay nakasakay ako sa kotse ni Ash at papasok na kami ng school. He's only 16 years old pero pinapayagan na siyang magdrive at dahil sa makapangyarihan ang pamilya nila sa bayan namin ay kahit hindi pa 18 years old si Ash ay pwede na siyang makapagmaneho ng sasakyan.

Iba talaga ang nagagawa ng impluwensya at kapangyarihan ni Tito Wilbert na Dad niya kaya takot ang lahat sa Pamilya Melendrez.

This is our first day as a couple at kitang-kita ko sa mga mata ni Ash kung gaano siya kasaya ngayong magkarelasyon na kami. Although I don't love him yet ay pipilitin ko ang sarili kong mahalin siya at baka siguro kapag nagtagal ang relasyon namin ay aabot na kami sa puntong iyon.

"I forgot to tell na nasabi ko na kina Mom at Dad na girlfriend na kita. They said na bumisita ka raw sa bahay this Saturday. Is it okay with you? Susunduin na lang kita sa bahay niyo." Sabi ni Ash habang nagmamaneho siya.

"Ah, sige." Sagot ko at nginitian siya.

He looked at me and he smiled, too pagkatapos ay itinuon niya na ulit sa daan ang atensyon niya.

Tito Wilbert and Tita Alora were so kind to me. They like me for their one and only son dahil matagal na rin nilang kilala sina Mama at Papa so I have no problem with them.

Nang makarating na kami sa Southern Academy ay sabay na kaming naglakad ni Ash papunta sa unang klase namin. There's nothing new dahil nakikita naman lahat ng estudyante na palagi kaming magkasama.

Ash is carrying my bag while he's holding my one hand. Napapangiti nalang rin ako dahil para siyang bata na nanalo sa isang laro dahil sa tuwang nakikita ko sa kanya.

While we're walking ay nakita ko naman na naglalakad papalapit sa amin ang mga kaibigan ni Ash na sina Kevin at Loen.

"So, totoo nga pala talaga ang sinabi ni Ash sa amin na kayo na, Bliss? Sa wakas!" Masayang bati ni Kevin nang makalapit na sila sa amin.

"Nagbunga rin ang matagal na paghihintay ni Ashton. Congrats, Bliss!" Bati naman ni Loen.

"S-salamat." Nahihiya kong sabi sa kanila.

Hinapit naman ni Ash ang bewang ko. "Sabi sa inyo e, magiging kami rin ni Bliss kaya ano kayo ngayon, ha?" Pang-aasar pa niya sa mga kaibigan niya.

"Edi ikaw na ang may love life. Si Yesha kasi ayaw akong-

"Blissy, cous!"

Napalingon naman kami sa tumawag ng pangalan ko at nakita ko si Yesha na tumatakbo papalapit sa amin.

Kaagad umiwas ng tingin si Loen nang makalapit na sa amin ang pinsan ko.

"Oh, Yesha? ngayon lang ulit kita nakita, ah? Masyado ka naman yatang naging busy sa pag-aaral mo." Sabi ko at tumawa pagkatapos.

Ngumisi naman siya at sinundot ang tagiliran ko dahilan para lumayo ako ng kaunti sa kanya.

"Hoy! Tigilan mo nga 'yan!" Suway ko rito at pinanlakihan siya ng mata.

"Ikaw Blissy! Kayo na pala nitong si Ash. Sabi na nga ba at kayo rin ang magkakatuluyan sa huli. Congrats sa inyo!" Masayang bati niya sa amin.

"Salamat, Yesha. Don't worry, I'll take care of your cousin." Sabi naman ni Ash at nginitian niya ako pagkatapos.

"Aba, dapat lang, no? Masyadong maganda ang pinsan ko para sa'yo kaya ingatan mo 'yan kundi baka makuha pa siya ng ibang lalake." Pagbabanta ni Yesha kay Ash na mukhang natakot naman sa sinabi niya.

"O-of course not. Sa akin lang si Bliss. Kung mangyari man 'yon ay magkakamatayan na." Seryosong sabi ni Ash na ikinatawa naman nina Yesha at Kevin.

"That's good. By the way, alam niyo bang all of a sudden ay bigla nalang pumayag si Lucas na maging girlfriend ako? And yes, kami na!" Masayang sabi ni Yesha na ikinagulat ko maging pati na rin ang bigla nalang natahimik na si Loen.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon