Kabanata 16

12.1K 372 37
                                    

Ngayon ay kakalabas ko lang ng ospital at hindi na rin ako nakapasok sa school. Nadischarged na ako dahil mabuti na ang lagay ko at nakakahiya pa dahil hindi rin nakapasok si Kale kakabantay sa akin.

Hindi pa siya nakakauwi sa kanila at ngayon ay nandito siya sa bahay namin. My parents insisted that he needs to eat lunch at alam kong nagugutom na rin siya kaya pumayag nalang ito.

"Hijo, maraming salamat talaga sa pagbabantay mo kagabi kay Bliss, ha?" Pagpapasalamat ni Mama kay Kale habang kumakain kami ng hapunan.

Hindi pa rin namin kasama si Kuya Andrei dahil sinabi nila Mama at Papa na naging abala ito sa pagkompronta kay Kuya Argel sa Police Station at pagkatapos nun ay dumiretso na ito kaagad sa school nila.

"Wala po 'yon, Tita. Gusto ko rin naman pong bantayan si Bliss." Sabi naman ni Kale.

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

My parents already knew that Ash and I already broke up. Hindi sila nag-oopen up sa akin kung bakit ba kami naghiwalay at alam kong naghihintay lang sila ng eksplanasyon ko ko. I will tell them naman kapag natapos na lahat ang problema ngayon.

"You're such a kind-hearted and humble kid. Napakagwapo mo pa. May I know your last name, hijo?" Nakangiting tanong ni Papa kay Kale.

"Marco po. Kale Marco po ang buong pangalan ko." Sagot ni Kale na ikinalaki ng mga mata nina Mama at Papa.

"M-Marco? I-Ikaw 'yung anak nina Cesar at Josephine Marco?" Gulat na tanong ni Papa.

Bakit nagulat sina Mama at Papa sa sinabi ni Kale? At bakit nila kilala ang mga magulang ni Kale especially si Tita Josephine?

"Opo." Kale answered.

Bigla namang tumayo mula sa pagkakaupo nila sina Mama at Papa at nag-bow sila kay Kale na ikinabigla ko.

"Pasensya ka na hijo. Hindi namin alam na anak ka pala nila Mr. and Mrs. Marco. Your mother helps us a lot to buy some of our properties nang mamatay ang Daddy mo at malaki ang utang na loob namin sa mga magulang mo." Paumanhin ni Papa kay Kale.

Ako naman ay nabigla doon. So, kilala pala talaga nila ang parents ni Kale? What a small world!

Ngumiti naman si Kale sa mga magulang ko. "You may sit down na po. I'm glad na natulungan po kayo ni Mom at kung kailangan niyo po ulit ng tulong ay pwede niyo po akong kausapin." He said.

Nakangiting bumalik na ulit sa upuan nila sina Mama at Papa at bumaling naman sila sa akin.

"Kaya ikaw, Bliss. Pakisamahan mo ng maayos itong si Kale. Siya ang nagligtas sa'yo at malaki pa ang utang na loob natin sa Mom niya." Sabi ni Mama.

Tumingin naman ako kay Kale. "Salamat, Kale at kay Tita Josephine na rin." Nakangiti kong sabi sa kanya.

He nodded and smiled. "Always welcome, Bliss."

Pagkatapos naming kumain ay kaagad ring umalis sina Mama at Papa at nagpunta sila sa presinto para raw sa kaso na isasampa nila laban kay Kuya Argel.

Napag-isipan ko kung kakayanin ba ng konsensya ko na makulong siya. Alam kong mali ang nagawa ni Kuya Argel sa akin pero naaawa rin ako at the same time dahil kaedad lang siya ni Kuya Andrei at masyado pa siyang bata para makulong.

I also know that his parents would be sad because of that. Kahit papaano ay naging kaibigan ko rin siya at siguro ay nagawa niya lang ang bagay na iyon dahil sa matinding nararamdaman niya para sa akin. I need to talk to Kuya Andrei and our parents about this.

"Are you okay?"

Tila nabalik naman ako mula sa malalim kong iniisip nang biglang magsalita si Kale na nasa tabi ko.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon