Natapos rin ang isang linggo at masasabi kong naging maayos naman ang lahat. Noong sabado ay sinundo ako ni Ash sa bahay namin at dinalaw ko ang parents niya sa bahay nila.
They are so happy nang malaman nilang may relasyon na kami ni Ash at boto sila sa akin para sa anak nila lalong-lalo na si Tita Alora.
One thing that I'd noticed from Ash ay masyado pala itong seloso. Dahil alam niya ang lahat ng accounts ko sa social media ay iniiwasan ko na ring makipag-usap sa mga lalake maging pati na rin sa mga lalake naming kaklase o mga kakilala.
Nung minsan na may nagcomment sa profile picture ko na kakilala kong guy ay nagalit si Ash doon at kaagad binura ang comment nun na hindi ko na nakita pa.
I was worried sa inaasal niya pero mas pinili ko nalang siyang intindihin na masyado niya lang akong mahal kaya nagseselos siya ng ganoon.
Nagpunta ako sa library para magreview sa exam namin bukas. Hindi ko kasama ngayon si Ash dahil may practice ito sa basketball team niya.
Nang makapasok na ako sa loob ng library ay sobrang daming estudyante ang nandito at halos ng upuan ay punuan na. Mabuti na lamang at may isang bakanteng upuan pa ang mayroon sa bandang dulo kaya nagpunta ako doon.
Hindi ko naman napansin kaagad na may nakaupo pala sa katapat nang bakanteng upuan at si Kale pa iyon na ikinagulat ko.
Lumingon naman siya sa akin na busy sa pagbabasa ng kaniyang libro nang makita niya ako.
"I-Ikaw pala, Kale. I'm sorry, hindi ko napansin na nandito ka pala. Maghahanap nalang ako ng ibang mauupuan-"
"You can sit there," Sabi naman niya at itinuloy ulit ang pagbabasa niya.
Dahil sa wala na rin naman akong choice at punuan na ang mga upuan sa library ay umupo na ako sa upuang katapat niya at inilapag ang dala kong notes at mga libro sa lamesa.
Kahit may ilang pa rin akong nararamdaman dahil nagkita lang kami noong friday at nakilala ko pa ang mother niya ay ipinilig ko nalang ang ulo ko at nagsimula nang magreview.
Ilang minuto lang ay naging abala na rin ako sa pagbabasa ko at hindi ko na pinansin si Kale sa kung anumang ginagawa niya.
Nang saglit naman akong mapatingin sa kanya ay nahuli ko pang nakatitig siya sa akin na ikinagulat ko.
"Is there something wrong?" Tanong ko.
"Why do you like me at first?"
Mas lalo pa akong nagulat sa itinanong niya.
"Ha? B-bakit mo naman naitanong 'yan? K-kalimutan mo na lang 'yung sinabi ko sa'yo dati. Boyfriend ko na rin naman si Ash kaya hindi ko na uulitin pa ang ginawa ko sa'yo dati."
Kahit medyo nauutal utal pa ako sa pagsasalita dahil sa kabang nararamdaman ko ay nasabi ko pa rin iyon kay Kale.
He looked at me seriously.
"You said that you like me at first then all of a sudden, Ash is now your boyfriend? So you played?" He said sarcastically.
I gritted my teeth secretly.
Dahil rin naman sa kanya kaya mas pinili ko nalang si Ash. Pinagtabuyan na niya ako at hindi niya rin ako gusto kaya aasa pa ba ako sa kanya?
"I just realized that I already l-love him. Infatuation lang siguro ang nararamdaman ko sa'yo noong una." Sabi ko kahit hindi naman talaga iyon totoo.
I really like him but he can't like me back.
Itinuon ko nalang ulit ang sarili ko sa pagre-review at hindi na siya muling pinansin pa.
BINABASA MO ANG
Obsessed Kale
General FictionDahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na si Kale Marco ay hindi niya aakalain na magiging mitsa iyon ng pagbabago ng takbo ng normal niyang buhay. Be careful what your actions for.