Mahigit isang linggo na rin akong nandito sa probinsya ng San Alfonso kasama sina Christian at Inay Felicia. Sa loob ng mga panahong iyon ay mas lalo ko pa silang nakilalang dalawa lalo na si Christian.
Sinabi niya kay Inay Felicia ang tungkol sa scholarship program na inaalok ni Papa para sa mga teenagers na gustong makapag-aral at pumayag naman si Inay Felicia doon basta ay pagbutihin lang ni Christian ang pag-aaral niya.
Sinabi naman ni Christian na dadalawin niya every weekends si Inay Felicia dito sa San Alfonso kung sakali mang sa Maynila na siya mag-aaral ng kolehiyo.
Sinabi ko na rin sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit ako napadpad dito sa San Alfonso. Naawa sila sa sinapit ko at dapat raw ay hindi ko dinanas iyon. Nakikita ko ang sobrang pag-aalala ni Christian doon at natuwa naman ako dahil concern siya sa akin.
He's really my true friend.
Naisipan ko nang i-contact sina Ash at ang pamilya ko sa Maynila at natuwa sila nang malaman na maayos lang ang kalagayan ko. Nang sinabi ko sa kanilang si Kale ang dumukot sa akin ay nagalit sila doon lalo na sina Ash at Kuya Andrei. Kailangan raw na pagbayaran ni Kale ang ginawa niya sa akin at hindi nila ito palalampasin.
Umaga ng tumawag ako sa kanila at nagpunta pa kami sa bayan para makagamit ng telepono dahil walang cellphone sina Christian at Inay Felicia.
I will try to buy a phone for them para naman may magamit sila in case of emergency at para ma-contact rin nila ako.
Ngayong hapon ay inaasahan kong susunduin na ako ni Ash at ng pamilya ko dito sa San Alfonso. Naghihintay lang ako dito sa labas ng bahay sa pagdating nila nang biglang lumapit sa akin si Christian.
Nginitian ko siya nang makita ko ito. "Sigurado ka na bang sa Maynila ka na mag-aaral? Hindi mo ba mamimiss 'tong Sa Alfonso?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya sa akin. "Mamimiss ko 'to siyempre pero kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ko si Inay balang-araw." Sabi niya.
Tumango ako. "So, decided ka na talagang sumama sa akin ngayon? Pwede namang next week nalang para magkaroon pa kayo ng bonding time ni Inay Felicia." Sabi ko.
Umiling naman si Christian. "Kasama naman kita kaya okay lang 'yon tsaka gusto ko na rin maging independent at hindi umaasa nalang palagi kay Inay."
Ngumiti lang ako sa sinabi niya hanggang sa matanaw ko sa bakuran ng bahay nila Christian ang paparating na sasakyan at bigla itong huminto sa tapat namin.
Napaluha ako nang makita kong papalabas sa loob ng sasakyan sila Mama, Papa, Kuya Andrei at si Ash.
Ang unang nakakita sa akin ay si Ash at kaagad itong tumakbo papalapit sa akin at niyakap niya ako. Napahikbi na ako pagkakita sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
"I missed you so much, Bliss..." Bulong ni Ash.
Nakita ko pa ang pag-iwas ng tingin sa amin ni Christian na nasa tabi ko lang bago ako nagsalita.
"I miss you too, Ash."
Hinarap naman niya ako at sinapo ang buong mukha ko.
"I'm glad that you're okay. Pagbabayaran ng Kale na 'yon ang ginawa niya sa'yo." Matigas niyang sabi.
Tumango nalang ako at nakita kong naglalakad papalapit sa akin sila Mama, Papa at Kuya Andrei. Niyakap nila ako isa-isa at kitang-kita ko mula sa mga mata nila ang sobrang pag-aalala para sa akin.
"Thanks God and you're okay, princess." Naluluhang sabi ni Mama at niyakap niya ulit ako.
"Yes, Ma. I'm okay." Sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Obsessed Kale
General FictionDahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na si Kale Marco ay hindi niya aakalain na magiging mitsa iyon ng pagbabago ng takbo ng normal niyang buhay. Be careful what your actions for.