Kabanata 29

9.6K 282 103
                                    

Sa mga sinabi sa akin ni Kale ay pinag-isipan ko iyon nang buong araw. Pinunasan ko ang mga luha ko habang tinitignan ang apat na pregnancy kit na hawak ko.

I'm pregnant.

Mahal ko si Ash pero.. magkakaanak na ako at ang ama nun ay si Kale. I'm too young to get pregnant pero nangyari na ito at kailangan ko na sigurong tanggapin ang kapalaran ko.

Maybe the destiny was not meant for me at kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao ay hindi rin pala kayo ang magkakatuluyan sa huli.

Ang pagmamahal nga ay pagsasakripisyo at ngayong alam kong buntis na ako ay hindi deserve ni Ash ang isang katulad ko na walang ibang ginawa kundi ang saktan siya.

Tinignan ko si Kale na nakangiti habang nakatingin sa mga hawak kong pregnancy kit. He hugged me at nakikita kong masaya siya na magkakaanak na kami.

"I'm so happy, Bliss. I'm going to make sure na aalagaan at mamahalin ko kayo ng magiging baby natin. You know how much this means to me." Sabi niya nang kumalas na siya mula sa pagkakayakap sa akin.

Wala akong masabi at wala rin akong magawa. Kung puso ang paiiralin ko ay mas lalo lang masasaktan si Ash sa akin kaya tatanggapin ko na ang kapalaran kong kay Kale lang ako babagsak.

"I already said to your parents and to my Mom that you were pregnant. Mom was so happy dahil magkakaapo na raw siya." Masuyong sabi ni Kale at hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Tumango nalang ako bilang sagot.

My heart and mind was so tired. Ako na siguro ang pinakatanga at pinaka-impokritang babae sa mundo dahil napaasa at pinaasa ko sina Kale at Ash.

They're hurting and it's because of me.

Napansin naman ni Kale ang pagiging matamlay ko at bumuntong-hininga siya.

"I know na napipilitan ka lang sa akin ngayon pero gagawin ko naman ang lahat para sa'yo, Bliss. You won't regret it na ako ang pinili mo-"

"Walang hiya ka, Kale!"

Laking gulat ko nalang nang tuluyang makapasok si Ash sa loob ng bahay namin kasunod si Kuya Andrei at kaagad niyang kwinelyuhan si Kale na sinamaan naman siya ng tingin.

I can see that Ash was furiously mad while he's glaring at Kale. Nang tinignan ko naman si Kuya Andrei ay seryoso lang itong nakatingin sa dalawa.

I knew it.

"What did I do to you?" Tanong ni Kale ng nakakunot-noo kay Ash.

"Binuntis mo si Bliss para lang mapunta siya sa'yo? Ganyan ka na ba kadesperado at hindi mo matanggap na hindi ka na niya mahal?" Sigaw ni Ash sa pagmumukha ni Kale.

Tumawa naman si Kale ng sarkastiko.

"Is it my fault if you're too slow to make a first move? Just accept that Bliss and I were having a child so leave us alone!" Mapang-asar na sabi ni Kale at akmang susuntukin na sana siya ni Ash nang napigilan ko sila.

"Ash, stop it!" Mahinahon kong sabi dahilan para mabaling ang atensyon ni Ash sa akin.

"Bliss, I don't care kung may anak man kayo ni Kale. Hindi mo na kailangan pang pakisamahan ang lalakeng 'yan. I'd already accepted you sa kung anuman ang sinapit mo sa kanya." Sabi ni Ash at nilapitan niya ako.

"Ash, please s-stop it. Nakapagdesisyon na ako. I-I will m-marry Kale." Sagot ko at ipinikit ang mga mata ko saka nagmulat ulit.

Rumehistro bigla sa mukha ni Ash ang sakit dahil sa sinabi ko.

"I-I know that you're only pressured pero pakakasalan mo ba talaga ang baliw na lalakeng 'yan? Remember that he abducted you and-"

"Tama na!" Sigaw ko dahilan para matahimik si Ash at mabigla sa pagsigaw ko.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon