Kabanata 6

16.4K 525 156
                                    

"Kung hindi lang talaga dumating itong si Bliss ay baka hindi na ako nakauwi ng bahay, Kale. Nakita niya lang ako sa daan at kahit parang baliw akong umiiyak doon dahil nanakawan pa ako at naligaw ay hindi siya natakot lumapit sa akin. She's my angel na talaga!" Nakangiting sabi ni Tita Josephine kay Kale na tahimik lang  habang kumakain.

Nandito kami ngayon sa restaurant at kumakain. Gusto ko na sanang umuwi dahil baka sabihin na naman ni Kale na sinusundan ko siya pero wala naman talaga akong ideya na si Tita Josephine pala ang mother niya tsaka naawa lang talaga ako kay Tita Josephine kanina kaya ko siya nilapitan at tinulungan.

Hindi naman sumagot si Kale sa sinabi ni Tita Josephine habang ako ay pilit nilalabanan ang pagkailang ko sa kanya.

"Bliss, maraming salamat ulit, ha? Kami na rin ang maghahatid sa'yo pauwi pagkatapos nating kumain." Sabi ni Tita Josephine sa akin.

Umiling kaagad ako. "Hindi na po, Tita Josephine. Kaya ko naman pong umuwing mag-isa. Malapit lang po ang bahay namin dito." Sabi ko.

"No. Hindi pwedeng umuwi kang mag-isa. Ihahatid ka namin. Oh wait- tumatawag ang secretary ko. I will borrow your phone lang muna Kale, okay? Wait lang, Bliss." Sabi ni Tita Josephine sa amin na kaagad tumayo at sinagot na niya ang tawag sa cellphone ni Kale saka ito nagmadaling magtungo sa restroom.

Nang kaming dalawa na lang ni Kale ang naiwan sa table ay katahimikan ang bumalot sa amin. Pero syempre ay kailangan kong magsalita at masabi ang dapat kong sabihin.

"I really don't know that Tita Josephine is your mother kaya baka sabihin mo na naman na kinukulit at ginugulo kita. I saw her earlier and I'm just concern about her. After this ay uuwi na rin ako." Seryosong sabi ko.

Hindi naman sumagot si Kale sa sinabi ko.

Dahil alam ko namang walang sasabihin sa akin si Kale ay akmang tatayo na sana ako para umalis nang bigla siyang magsalita.

"Thank you for helping my Mom."

Napahinto ako sa sinabi niya.

Ito ang unang beses na nagpasalamat siya sa akin at medyo gumaan ang loob ko sa sinabi niya.

I erase that thought at tumango na lang.

"I only did what's right dahil nanakawan ang Mom mo at umiiyak pa siya sa daan. Sabihin mo nalang kay Tita Josephine na aalis na ako. Paalam." Huling sabi ko bago umalis at lumabas na mula sa loob ng restaurant.

Pero nanlaki ang mata ko nang hinawakan ako ni Kale sa braso ko at sinundan pala niya ako hanggang dito sa labas ng restaurant.

Tila nakuryente naman ako sa biglaang paghawak niya sa akin kaya napabitaw ako sa kanya.

"M-may kailangan ka ba?" Nauutal ko pang tanong.

"My Mom will get mad at me kapag hindi kita hinatid hanggang sa inyo. Stop talking and let me be your companion going home." Sabi niya at nauna na siyang maglakad sa akin.

Kahit may kung anong nagkakarera sa dibdib ko ay pilit kong pinipigilan iyon.

Hindi pwede itong nararamdaman ko dahil alam kong aasa lang ako sa wala kung ipagpapatuloy ko pa ito.

Tahimik lang kaming naglalakad pauwi ng bahay habang sinusundan ako ni Kale. Nasa likuran ko siya habang ako naman ang nauunang maglakad.

This is very awkward for me dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin kung paano niya ako ipagtabuyan, sigawan at itapon sa sahig ng kalsada ang mga pagkaing ginawa ko para sa kanya.

That was the most hurtful things that I'd encountered in my life at sana ay hindi ko na maalala pa ulit iyon.

Mahigit 10 minutes rin kaming naglakad hanggang nasa tapat na kami ng bahay. It's almost 6pm na at malapit na ring maggabi.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon