Todo ang ginawa kong pagpapaganda ngayon sa 2nd day of classes namin. Sa tanang buhay ko ay hindi ko inaasahan na mag-aayos ako ng todo para lang sa lalakeng nagugustuhan ko ngayon.
Ganito nga siguro kapag may crush ka kaya naiintindihan ko na ang pinsan kong si Yesha kung bakit masyado siyang nagpapapansin sa sikat na Varsity Player sa school namin na si Lucas Infante.
Habang nag-aayos ako ng aking sarili ay biglang pumasok sa loob ng kwarto ko si Kuya Andrei. Mariin itong nakatingin sa akin habang inaayos ko ang dulo ng buhok ko at pinakulot ito gamit ang hair iron ko.
"What's happening to you, sis? Ngayon lang yata kita nakitang mag-ayos ng todo, ah? I know you were already beautiful kahit hindi ka na mag-ayos but now? You're glowing." Nakangiting sabi ni Kuya Andrei sa akin.
I pouted. "S-syempre, dalaga na ako, no! at naisipan ko lang na mag-ayos naman kahit papaano!" Sabi ko pero nagmukhang defensive naman yata ang tono ko.
Tumawa lang si Kuya Andrei sa sinabi ko at kinurot nito ng mahina ang pisngi ko.
"Kuya!" Suway ko dahil sa ginawa niya.
Mas lalo siyang tumawa.
"Do you like someone else? Kaya ka siguro nagpapaganda ay dahil may nagugustuhan ka na? I know na wala ka namang gusto sa best friend mong si Ash pero this time, may iba ka yatang dahilan, e." Kuya Andrei teased me kaya bigla tuloy akong nagblush.
Napayuko ako sa hiya and I nodded.
I'm so open to my brother at alam kong maiintindihan niya ako sa lahat ng trip ko sa buhay.
"Yes, Kuya. I like someone else." Pag-amin ko.
Kuya Andrei just smiled at me and he patted my head.
"That guy was so lucky to have you. You're beautiful inside and out at tanga nalang siguro siya kung hindi siya magkakagusto sa'yo."
Bigla ay natahimik ako sa sinabi ni Kuya Andrei.
Alam kong walang interes sa akin si Kale pero gagawin ko ang lahat para lang mapansin niya ako at maging magkaibigan muna kami for now at kung papalarin ay pwede ko pang i-level up ang magiging relasyon namin.
Napansin naman ni Kuya Andrei ang bigla kong pananahamik at akmang magsasalita na sana siya nang biglang tumunog ang phone niya.
"I'll take this call muna. It's from my classmate." Mahinang sabi niya sa akin.
Tumango naman ako at pagkatapos nun ay sinagot na niya ang tawag at lumabas na siya mula sa loob ng kwarto ko.
I look at myself in the mirror at pinalobo ko ang pisngi ko.
Good luck for me later in school!
Nang maihatid na ako ng driver namin sa Southern Academy ay kaagad na akong pumasok sa loob. Habang naglalakad ako ay nakita ko kaagad si Kale na naglalakad rin at papunta yata siya sa way ng Cafeteria.
Lumapit naman ako sa kanya at nginitian ko siya. Sinabayan ko siya sa paglalakad pero as usual ay dedma lang ang beauty ko sa kanya.
"Good morning, Kale! Pupunta ka ba sa Cafeteria? Can I join you? Hindi pa kasi ako kumakain e," Nakangiti kong sabi.
Kumain na ako kanina sa bahay pero syempre ay rason ko lang iyon para makasama siya.
Kahit poker face lang ang ekspresyon na ipinapakita ng mukha niya ay hindi pa rin iyon nakakabawas sa kagwapuhan niya. In fact, he looks like a mysterious anime character. Idagdag pang bagsak ang buhok niya.
Hindi niya ako pinansin at dire-diretso pa rin siya sa paglalakad. Kahit pinagtitinginan na kami ay hindi niya rin iyon pinapansin.
Nang makarating na kami sa Cafeteria ay kaagad siyang umorder ng kakainin niya. Nakita ko pang napanganga ang cashier pagkakita kay Kale.
BINABASA MO ANG
Obsessed Kale
General FictionDahil sa pagiging pursigido ni Bliss Santiviel na mapalapit sa tahimik at misteryosong transferee student na si Kale Marco ay hindi niya aakalain na magiging mitsa iyon ng pagbabago ng takbo ng normal niyang buhay. Be careful what your actions for.