Kabanata 23

9.9K 290 53
                                    

Nang iminulat ko ang mga mata ko ay kaagad bumungad sa akin ang isang matandang babae at isang lalake na mukhang kaedad ko lang. Napangiti sila nang makita nilang nagising na ako.

"Salamat sa Panginoon at nagising ka na rin, hija." Sabi nung matandang babae at hinaplos niya ang mukha ko.

Inilibot ko ng tingin ang paligid ko at nakahiga ako sa isang kama at ang paligid naman ng bahay ay gawa sa kahoy.

Nagpapasalamat ako at nakaligtas ako mula sa mga kamay ni Kale nang dahil sa pagtakas ko. Kung magtatagal pa ako sa poder niya ay hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at humarap ako sa mga taong nagligtas sa akin.

"Maraming salamat po at iniligtas niyo ako." Sabi ko at napayuko nalang.

"Wala iyon, hija. Hindi ka muna namin tatanungin sa kung anuman ang dahilan kung bakit napadpad ka dito sa lugar namin. Ang kailangan mo lang muna ay ang magpahinga." Nakangiting sabi naman ng matandang babae.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Salamat po talaga."

"Walang anuman. Maaari ko bang malamam kung ano ang pangalan mo, hija?" Tanong niya.

"Bliss po." Sabi ko.

"Napakaganda ng pangalan mo at bagay iyon sa maganda at maamo mong mukha. Tawagin mo na lamang akong Inay Felicia at ito namang binatang nasa tabi ko ay si Christian, siya ang apo ko." Pagpapakilala niya sa lalakeng katabi niya na nakatingin sa akin habang nakangiti.

Tumango naman ako. "Nice to meet you po, Inay Felicia at Christian." Nakangiting sabi ko sa kanila.

Tumango si Christian at si Inay Felicia ay ngumiti lang saka ito tumayo. Napansin kong iba na ang suot kong damit at isa na itong mahabang bestida na bulaklakin.

"Nilinisan at pinalitan na pala kita ng damit, hija. Nilabhan ko na rin ang damit mo. Ako ay magtutungo muna sa bayan para bilhan ka ng mga bagong damit at mamimili na rin ako ng kakainin natin. Kung may kailangan ka ay nandiyan naman ang apo ko at magsabi ka lang sa kanya." Sabi ni Inay Felicia sa akin.

Tumango ako. "Salamat po."

Ngumiti ulit siya at pagkatapos ay binalingan niya si Christian.

"Ikaw na muna ang bahala kay Bliss, apo." Tumango lang si Christian sa sinabi ni Inay Felicia hanggang sa makaalis na ito.

"May masakit pa ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Christian.

Umiling naman ako. "Huwag kang mag-alala, maayos na ang lagay ko." Sabi ko.

Tumango naman siya.

"Anong lugar pala ito?" Tanong ko.

"Ah, nandito ka sa probinsya ng San Alfonso." Sabi niya at ngumiti ito sa akin.

Napansin ko na mahilig ngumiti itong si Christian katulad ni Inay Felicia at hindi maipagkakaila na gwapo rin ito at moreno. Matangkad rin siya.

Tumango naman ako at pagkatapos nun ay katahimikan na ang bumalot sa amin hanggang sa magsalita na ulit siya.

"Nasa peligro ka siguro at nakatakas ka kaya naabutan ka namin sa daan na walang malay. Kung handa ka nang sabihin sa amin ang lahat, makikinig kami ni Inay." Sabi ni Christian.

Mabait si Inay Felicia at Christian. Napansin ko na kahit hirap sila sa buhay ay hindi nawala sa kanila ang pagiging likas na maaalalahanin kahit hindi naman nila ako kakilala. Nagpapasalamat ako at sila ang nakakita sa akin at nagligtas sa buhay ko.

"Salamat sa pagligtas niyo sa akin, Christian." Sabi ko at hindi ko na napigilan pang mapaluha.

Bigla namang nataranta si Christian dahil sa pag-iyak ko.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon