Kabanata 22

10.8K 308 16
                                    

Nakatingin lang ako sa kawalan habang patuloy pa rin akong umiiyak. Lumipas ang isang araw at hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako sa kwartong ito. Hindi ko alam kung nasaan ako dahil napapaligiran lang ng mga puno at damo ang bahay na kinatatayuan ng kwarto na ito.

Hindi ko alam kung nasaan si Kale ngayon dahil paggising ko ay wala na siya sa tabi ko. Mas mabuti pa nga sigurong wala siya dahil kapag nakikita ko lang ang pagmumukha niya ay mas lalo lang nadadagdagan ang pagkamuhi ko sa kanya.

I tried to find my bag pero hindi ko mahanap kung nasaan ito. Malamang ay itinago ni Kale iyon dahil kasama doon ang cellphone ko.

I want to contact Ash and my family para malaman nila kung nasaan ako pero pati ang natitira kong pag-asa ay nawala na rin dahil sa kagagawan ng demonyong iyon.

Huminto ako sa pag-iyak nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto na naka-lock at pumasok doon ang lalakeng dahilan ng paghihirap ko ngayon.

May dala siyang tray ng pagkain at kaagad niya iyong inilapag sa bedside table. Kaagad niya ring ni-lock ang pintuan ng kwarto at lumapit ito sa akin.

Nakatitig lang ako sa kanya ng masama habang siya naman ay tila 'di naaapektuhan sa ginagawa ko.

"Kumain ka na." Sabi niya.

"Makakakain pa ba ako sa ginagawa mong 'to?" Sabi ko at ipinakita sa kanya ang kamay at paa kong nakatali.

Bumuntong-hininga lang si Kale at tinanggal na ang pagkakatali sa mga kamay at paa ko. Nagkasugat na ang balat ko dahil sa lubid na tali na nakagapos sa akin.

"Nasaan 'yung bag ko?" Galit kong tanong sa kanya.

"Why? You're finding this?" Sabi niya saka ito may kinuha sa bulsa ng pantalon niya at inilabas niya ang cellphone ko.

Akmang kukunin ko na sana ang cellphone ko kay Kale nang nailayo niya kaagad ang kamay niya.

"Akin na 'yan!" Sigaw ko.

Ngumiti naman siya sa akin at tinignan niya ang cellphone ko. Tila'y may binabasa siyang message doon.

"Tsk! The moron is finding you, huh?" Nakangising sabi niya at nagulat nalang ako nang bigla niyang inihagis ang cellphone ko sa sahig at tinapakan ito ng tinapakan.

"N-napakasama mo!" Umiiyak kong sabi.

Wala na talagang pag-asang makatakas ako sa lugar na ito. Magiging impyerno na ang buhay ko mula sa mga kamay ni Kale.

"Sabi ko naman sa'yo Bliss, don't you ever tried to enter in my life. This is your consequences sa pagpapaasang ginawa mo sa akin. I warned you before so it's not my fault why I'm doing this. You don't know me that much." Seryosong sabi niya.

Inis kong pinunasan ang mga luha ko at tinitigan ulit siya ng masama.

"Oo, Kale. Ginawa ko noon ang lahat mapansin mo lang ako pero ngayon? Lubos ko nang pinagsisisihan na nakilala kita. Nagsinungaling ako noon na infatuation lang ang nararamdaman ko para sa'yo kaya pilit kitang nilalapitan noon but I really like you that time dahil ang akala ko ay iba ka. Ash is right, hindi dapat ako nagtiwala sa'yo and I regretted it na nagustuhan kita." Mariin kong sabi.

Natahimik siya sa sinabi ko at nakatitig lang ito sa akin. I don't know what he's thinking but at least I said the truth to him.

Umiling lang si Kale sa sinabi ko at ngumiti ito. Unti-unti naman siyang lumapit sa akin at hinawakan niya ang pisngi ko.

"Then you need to be with me. Sa tingin mo ba ay tatanggapin ka pa ni Ash kahit may nangyari na sa ating dalawa? What will your parents do kapag nabuntis kita? Bliss, ako lang ang nababagay sa'yo and you need to accept that I'm only for you." Nakangiti niyang sabi.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon