Kabanata 30

11.8K 313 83
                                    

Nag-iimpake na ako ng ilang mga gamit para sa pagpunta namin ni Kale sa Bangladesh dahil doon raw kami ikakasal.

Isa iyon sa mga bansa kung saan legal ang minor age wedding. Ilang beses na akong napapabuntong-hininga dahil may pakiramdam ako na may hindi magandang mangyayari ngayon pero siguro ay dahil marami lang akong iniisip nitong mga nakaraang-araw.

Masyado nang pagod ang puso ko para isipin pa ang mga pinagdadaanan ko. Tanggap ko na ang kapalaran ko at siguro ay kailangan ko nalang itong harapin.

"Christian, okay ka lang ba? Parang kanina ka pa tahimik dyan, ah?" Tanong ko kay Christian na kasama ko dito sa loob ng kwarto ko.

Napansin ko kasi na kanina pa siya tahimik. Sasama rin siya sa Bangladesh sa kasal na gaganapin sa amin ni Kale.

Tumingin naman sa akin si Christian. "Bliss, sigurado ka na bang pakakasalan mo si Kale? Hindi ba't hindi mo naman siya mahal at si Ash ang mahal mo? Papayag ka nalang bang matali sa isang relasyon na alam mong hindi ka magiging masaya?" Nag-aalala niyang sabi.

Napangiti ako ng mapait. "Mas mabuti na 'yon kaysa ang paasahin ko pa si Ash na magiging kami pa rin sa huli. I'm now pregnant at kailangan ko si Kale dahil siya ang ama nitong ipinagbubuntis ko." Sabi ko at hinaplos ang tiyan ko.

I'm now 3 weeks pregnant at unti-unti na ring lumalaki ang tiyan ko. Palagi nang nasa bahay si Kale para tignan ang kalagayan ko. Sinamahan niya pa akong magpa check-up sa Obstetrician kahapon. Hindi ko na rin nakita pa si Ash pagkatapos kong sabihin sa kanya ang naging desisyon ko.

Alam kong nasasaktan siya sa mga pangyayari pero hindi siguro talaga kami ang para sa isa't-isa.

Makakahanap pa siya ng babaeng magmamahal sa kanya ng buo balang araw.

May sinabi naman si Christian pero hindi ko na narinig iyon dahil sa sobrang hina.

"Ano 'yung sinasabi mo, Christian?" Tanong ko sa kanya.

Kaagad siyang umiling sa tanong ko. "Wala, Bliss. Sige na't ituloy mo na ang pag-iimpake mo." Sabi niya at umalis na rin sa loob ng kwarto ko.

Nagkibit-balikat nalang ako at itinuloy ang ginagawa ko.

Napaghandaan naman kahit papaano ng parents ko at ni Tita Josephine ang kasal na magaganap sa amin ni Kale sa Bangladesh. Si Kuya Andrei ay tutol pa rin dito pero wala na siyang magawa dahil ako na rin ang nagdesisyon na pakasalan si Kale.

Ilang oras pa ay dumating na sa bahay si Kale kasama sina Tita Josephine at Klauss. Bineso ako ni Tita Josephine nang makita niya ako saka nito hinaplos ang tiyan ko.

"Excited na akong manganak ka at makita itong apo ko. You know how happy I am dahil magiging lola na rin ako, Bliss." Masayang sabi ni Tita Josephine.

Napangiti ako doon at tinignan si Kale na nakangiti rin sa amin.

"Pangako po, magiging maingat po ako sa pagbubuntis ko para lumaking malusog si baby, Tita Josephine." Sabi ko.

Tita Josephine smile and nodded. Bumaling naman sa akin si Kale at nilapitan niya ako.

"Are you ready?" Tanong niya.

Tumango nalang ako bilang sagot.

Ilang minuto lang rin ay dumating na sila Mama at Papa kasama si Kuya Andrei na walang imik. Alam kong tutol siya sa kasal namin ni Kale pero wala na siyang magawa pa doon kaya tinanggap nalang niya iyon alang-alang sa akin.

Sumakay na sina Mama at Papa kasama sila Kuya Andrei, Tita Josephine at Klauss sa isang kotse habang nasa isang kotse naman kami nila Kale at Christian.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon