Kabanata 24

9.4K 284 34
                                    

Nagising ako at kaagad kong tinignan ang nakasabit na wall clock sa kwartong tinutulugan ko. It's already 6am in the morning. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas sa loob ng kwarto.

Nakita ko kaagad si Christian na nakaupo sa sala at umiinom ito ng kape. Ngumiti naman siya nang makita niya ako. Ngumiti rin ako sa kanya at umupo sa upuang nasa tabi niya.

"Good morning, Bliss." Bati niya sa akin.

"Good morning din, Christian." Bati ko.

"Gusto mo ba ng kape o gatas? Ipagtitimpla kita. May pandesal din dito, kumain ka na." Pag-aalok niya.

"Thank you. Nasaan na pala si Inay Felicia?" Tanong ko.

"Nauna na siya sa bukid. Ako naman ay pupunta sa kabilang bukid para magbuhat ng mga troso. Sayang rin ang kikitain ko doon kaya tutulong ako." Sabi niya pagkatapos niyang humigop ng kape.

"Hmm.. pwede ba akong tumulong sa'yo sa bukid?" Nakangiting tanong ko na ikinagulat niya.

"Sigurado ka ba? Mainit doon at baka masunog lang 'yang balat mo. Napakaputi mo pa naman at hindi magandang mabilad ka sa araw." Nag-aalalang sabi niya.

"Sus! Ano ka ba, okay lang 'yon saka gusto ko rin makatulong sa inyo ni Inay Felicia habang nandito pa ako." Sabi ko.

Napakamot naman siya sa kaniyang batok bago siya tumango. "Kung 'yan ang gusto mo, sige pero magsuot ka ng mahabang damit dahil mainit doon at baka mangitim ka pa."

Tumango at ngumiti ako. "Thank you, Christian!"

Ngumiti rin siya sa akin. "Sige na at uminom ka na ng mainit na inumin at kumain ka na rin." Sabi niya.

"Okay!" Sabi ko at nag-umpisa na akong magtimpla ng kape.

Pagkatapos naming kumain ni Christian ay naligo muna ako at nagpalit ng damit. Sinuot ko ang isang bestidang may mahabang manggas na kulay dilaw na binili para sa akin ni Inay Felicia. Itinali ko rin ang buhok ko ng ponytail style at nang matapos ako ay lumabas na ako sa kwarto ko.

Nakita ko naman na nag-aabang si Christian sa pintuan at nakasuot ito ng polo na may mahabang manggas at short na hanggang tuhod lang niya. Nakasumbrero rin siyang kulay itim.

Nang makita niya ako ay napatitig pa siya sa akin pero kaagad rin niyang iniwas ang tingin niya.

"Nakahanda ka na ba?" Tanong niya.

I nodded. "Tara na?"

Ngumiti naman siya sa akin at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas mula sa loob ng bahay.

Medyo tirik na rin ang araw pagkalabas namin dahil alas siyete na ng umaga.

"Sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo, Bliss? Pwede namang magpahinga ka muna sa bahay kung sakaling nanghihina ka pa." Nag-aalalang sabi ni Christian habang naglalakad kami patungo sa bukid na tinutukoy niya.

"I'm okay na nga. Mabobored lang rin ako sa loob ng bahay at walang gagawin kaya mas mabuti pang tutulungan nalang kitang magtrabaho." Sabi ko.

"Sige na nga pero ayokong pagbuhatin ka ng mga troso dahil mabibigat 'yon. Ang gawin mo nalang ay sumunod ka sa akin at bilangin mo kung ilan ang mabubuhat ko." Sabi niya.

Nakangiti naman akong tumango at sumaludo pa sa kanya.

"Yes, sir!" Napailing nalang si Christian habang nangingiti dahil sa sinabi ko.

Matapos ng ilang minutong paglalakad namin ay narating na namin ang bukid na tinutukoy niya. May dalawang malalaking truck ang nandirito habang abala naman ang mga kalalakihan sa pagkuha at pagbuhat ng mga nakataling troso na nakalapag sa lupa.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon