Kabanata 4

16.1K 592 332
                                    

"But I have to say this to you Bliss, 'wag kang masyadong makipaglapit sa Kale na 'yon dahil hindi maganda ang kutob ko sa kanya."

Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi sa akin ni Ash kaninang break time tungkol kay Kale.

Hindi raw maganda ang kutob niya rito. Siguro ay nag-aalala lang siya sa akin dahil hindi ko pa naman lubusang kilala si Kale but he can't stop me from pursuing Kale at pursigido talaga akong mapalapit sa kanya.

Nang matapos na ang huling klase nila Kale ay unti-unti nang nagsilabasan ang mga kaklase niya mula sa classroom nila. Hindi ko na rin pinapansin ang mga mapanuring tingin at titig sa akin ng mga lalake at ng iba pang mga kaklase niya.

Nang makalabas na sila ay saka pa lamang lumabas si Kale na may nakasabit na backpack sa kaliwang balikat niya.

Kaagad akong lumapit sa kanya at nang makita niya ako ay inaasahan kong wala pa ring ekspresyon ang kaniyang mukha.

Dinedma niya na naman ako at maglalakad na sana siya papaalis nang hilahin ko ang braso niya dahilan para mapatingin ulit siya sa akin.

"Kale-" Umurong ang dila ko nang makita ko ang naiirita niyang ekspresyon.

Binawi nito ang kamay niya sa akin at tinignan ako ng malalim.

"What do you want?" Seryoso niyang tanong.

Napakamot naman ako sa ulo ko at nahihiyang nginitian siya.

"Pauwi ka na ba? Pwede bang sabay na tayong umuwi?" Tanong ko pero iba naman ang sinagot niya.

"Why do you keep bothering me? I'm not interested with you."

Medyo nasaktan ako sa sinabi niya pero ngumiti pa rin ako ng pilit.

"G-gusto lang sana kitang maging kaibigan kung okay lang 'yon sa'yo." Pag-amin ko at ipinikit ang mata ko saka nagmulat ulit.

Ang hirap talaga kapag na in-love ka na lang bigla sa lalakeng baguhan pa lang sa school niyo at ubod pa ng pagkasuplado pero keri lang ito! Gagawin ko naman ang lahat maging kaibigan ko lang si Kale.

Kahit pagkakaibigan lang ay okay na iyon sa akin.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko at nanatili lang siyang nakatingin sa akin na walang ekspresyon pa rin ang mukha. I can't see any emotion in his eyes kaya nahihirapan akong basahin siya.

"You don't know what you're doing."

Tila naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Huh?"

Mas lalo siyang lumapit sa akin na ikinabigla ko.

"Please avoid me. You don't know what I can do once you entered into my life." Mariin niyang sabi at pagkatapos ay lumayo na siya sa akin at nagsimula nang maglakad papaalis.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam ako ng kaba at takot sa sinabi niya.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko sa bigla kong naramdaman at tumakbo ako para sundan siya.

"Kale, sige naman na, oh? Pwede bang sabay nalang tayong umuwi? Gusto ko lang talagang mapalapit sa'yo. I'm sorry kung makulit ako pero-"

"Do you like me?"

Bigla akong napahinto sa sinabi niya at dahan-dahang tumango. Gusto kong maging honest sa kanya tutal makapal naman ang mukha ko ay aamin nalang ako.

He chuckled at nagulat ako dahil ngayon ko lang siya narinig na tumawa.

Ang sarap sa pandinig ng tawa niya at para bang hindi ako magsasawang pakinggan iyon araw-araw.

Nang makalabas na kami ng school ay huminto kami sa gilid ng daan. Tinignan naman niya ako ng malalim.

Obsessed KaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon